XIV.

4 0 0
                                    

tinahi ko ang aking tula sa dalampasigan
nakaupo, nakatali ang mga paa...
ang araw ay humahalik na
sa asul na guhit ng dagat--
tila napakalmado ng lahat.

paa ng mga alon ay tila
bumabalik sa dalampasigan.
ang tubig ay dinadala
ang buhangin sa karagatan.

perpektong mga asul na linya
na tila nakatadhana
para hatiin ang dagat at lupa
para gawin ko itong aking tula.

ang iyong mga yapak
sa itaas ng buhanginan
ay tila hindi naiiwan
sa dinami-daming tapak.

alam ko parin ang iyong mga paa
nanakabakat sa buhangin at lupa—
hindi nabubura ng mga alon,
hindi nakakasalubong nga mga bato-bato.

tapakan man ng sari-saring talampakan;
alam ko parin kung saan ang ating tagpuan.
at kahit hindi mo man ito puntahan,
ang mga yapak mo sa buhangin
ay andito parin.
sa buhangin.

von frederick
Abril 01, 2023

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now