ang saya sa pakiramdam
makita ang mga bahaghari sa kalangitan
punong-puno ng paro-paro ngayon
ang aking tiyanngunit alam kong lahat ng mga saya
mga tawa, mga galak sa tuwina
ay laging napapalitan
ng pagsibol ng kalungkutangustong gusto kong lumilipad
ang mga paro-paro sa iyong mukha,
at bumabalik sa akin
sa tuktok ng aking
kayumangging mga daliri.sasayaw sa tabi ng dalampasigan,
kahit alam ko nang tayo ay lilisan.
hulihin man natin lahat ng isda sa kalawakan,
batid ko sa aking munting isipan,
ang iyong kamay
ay hindi ko na mahahawakan.isda sa kalawakan
Marso 21, 2023
![](https://img.wattpad.com/cover/355057252-288-k469348.jpg)
YOU ARE READING
Sa Dugo ng Araw
PoetryAng librong ito ay koleksyon ng mga prosa at tulang siniksik at inimbak ko sa likod ng aking puso. Wala akong pakahulugan sa deskripsiyon ng librong ito. Halo-halo ang mga piyesang naririto. Labo-labo rin ang petsa. Ang masasabi ko lang, lahat ng le...