XVI.

3 0 0
                                    

ang pag-aagam-agam
ay nababahiran
ng pag-aalinlangan.
ako ay kompleto na
ikaw nalang ang kulang.

ang patalim ng araw
ay tumutusok
sa hibla ng kadiliman
ang iyong liwanag nalang
ang pupuno sa mga
butas ng sandaigdigan.

ang mga bituin
ay hindi na kumikinang:
nagsisimula nang mag-gabi:
nag-uumpisa nang magpaalam.

ngayon, saksihan natin
ang kapanganakan ng buwan
at kamatayan ng araw.

dala ang buslo ng sanggol
hatid sa sanlibutan
ang linggatong ng kaguluhan--
ang sisira sa kapayapaan.

kung 'di ka papapasukin
ng langit at ng karagatan—
'wag ka nalang
kasing magpaalam,
dito ka nalang.

paalam
May 10, 2023

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now