ang pagkalabit ng bala
ng buhangin ng orasan
ay nakakalagas
sa'ting mga katawan.bagkus—ito
parin ay normal,
suspendido parin
at hindi humihinto.hindi parin nagiging tiko
ang linya at mwebles ng relo,
ang pugad ng panahon
ay nandiyan parin
sa ulo mo--kung napuputol
ang dahon ng orasan
ay hindi na malalagas
ang ating katawan,kung ang patak ng oras
ay tumahan sa'yo,
alamin mong dadamhin ko
ang bawat segundo.Abril 09, 2023
YOU ARE READING
Sa Dugo ng Araw
PoetryAng librong ito ay koleksyon ng mga prosa at tulang siniksik at inimbak ko sa likod ng aking puso. Wala akong pakahulugan sa deskripsiyon ng librong ito. Halo-halo ang mga piyesang naririto. Labo-labo rin ang petsa. Ang masasabi ko lang, lahat ng le...