II.

13 1 0
                                    

ang pagpaling ng bawat panuro ng relo
ay parang pagpintig ng bawat minuto,
ang araw na nakayakap sa mundo
ay ginawa itong paraiso.

hindi ka ba nagmamadali
sa bawat pag-agos
ng alon ng panahon
at hindi kana makaahon?

hindi ka ba kinikilig
sa tuwing lalapit ako sayo—
at magbabasa tayo ng mga libro?

hindi ka ba nabubulag
sa liwanag na aking binibigay
para ang puso mo'y magsindi,
upang hindi ka mapundi?

hindi ka ba nabibingi
sa tuwing kinakantahan kita
ng iyong paboritong musika?

hindi ba't nakakalungkot
na ang araw at buwan
ay hindi natin maabot?

hindi ka ba nagdududa
na ang araw
ay laging nagsisinungaling
at nagiging totoo
pag sapit ng dilim?

hindi ka ba nakikinig
sa huni ng mga ibon,
kahit hindi mo sila maintindihan?

hindi ka ba namamangha
'pag nahahati ang katawan ng buwan,
at kahit hiniwa-hiwa ang buong katawan
ay napakaganda paring tingnan?

hati-hating buwan
Marso 24, 2023

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now