XII.

5 0 0
                                    

ako man din'y di hamak na walang korona
ng hari o ng isang tanyag na reyna,
walang mga makukulay na mga pinta sa'king kuko,
puro pangit na guhit at buhok ang aking noo,
walang mga ginintuang sapatos sa paa,
laging nagkakamali sa isang kisapmata,
laging nawawala sa'kin ang mga pera,
punong-puno man ako ng sama ng loob at problema—
walang mga hikaw at mwebles sa aking mga tenga,
walang mga palamuti sa aking dalawang mata,
kulang kulang rin ang aking kilay at pilik-mata,
hindi man ako marunong sumayaw sa tuwina
napakaswerte mo--dahil ako'y sayong sayo, sinta...

kapag nandiyan ka, parang ako'y nasa isang museo
luma na gaya ng pag-ibig ko sayo,
umuusbong at hindi nagbabago.
subalit nakakasilaw paring tingnan
ang mga mata mo, at kilay na pataas—
sa loob ng museo, sa kailaliman ng mga matatandang aklat.

hindi man kita mai-uwi, ikaw nalang ang babasahin ko magdamag,
habang nakahiga ako sayo, habang nakaarko ang mga kamay sa libro—
hindi ko na maidilat pa
ang aking mga mata.
hindi na ako uuwi
dahil ako'y nandito na, punong puno ng saya
nasa aking tahanan, nag-uumapaw sa ligaya
nasa paborito kong silid—
nasa aking museo.

museo
Pebrero 26, 2023

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now