gawin mong mga masisiglang kanta
ang aking mga ginawang tula.
buhayin mo ang mga patay na nota:
gawin mong kulay ng dugo,
gawin mong kulay ng pag-ibig,
gawin mong nakakaakit na pula.pasayawin mo mula umaga hanggang hapon
ang mga letrang kaindak-indak sa aking paningin—
ilagay mo sa aking mga tenga ang tipak ng mga buhangin
at ibulong sa'kin ang iyong mga lihim.hihipan ko ang mga talulot ng bulaklak sa iyong mga kamay
papunta sa espasyo na walang hanggan—
mapunta ka man sa ibang landas,
maging karwahe man ang iyong lulan,
'wag mo akong kalilimutan,
tayo ay hihiga pa sa buwan.nota
Marso 10, 2023
YOU ARE READING
Sa Dugo ng Araw
PoetryAng librong ito ay koleksyon ng mga prosa at tulang siniksik at inimbak ko sa likod ng aking puso. Wala akong pakahulugan sa deskripsiyon ng librong ito. Halo-halo ang mga piyesang naririto. Labo-labo rin ang petsa. Ang masasabi ko lang, lahat ng le...