XI.

6 0 0
                                    

ang mga butil-butil ng pagtingin ko'y upos nalang
ang nag-uumapaw na daluyong
sa'king puso'y ubos na.
ang tuldok na kumakapit
sa'king bawat letra
ay pumanaw na
ang haligi sa dingding
ng ating tahana'y nagiba na.

wala na akong patutunguhan,
wala na akong pupuntahan--
nawala na, naligaw na ng direksyon,
bumabalik-balik parin sa'yo—
aking destinasyon.

ang mga pulsera ay hindi na tumatali
sa kabuoan ng iyong braso.
ang mga kwintas ay hindi na yumayakap
sa kailaliman ng leeg mo.
ang aking singsing na nakakabit
sa'yong palasinsingan ay kumalas na--

bagkus ang altar na nakatayo
ay hindi aabutin ating mga kamay
para pagdugtungin sa isa't-isa—

hindi rin bubungkalin
ating kaluluwa sa hukay,
magkahawak man tayo
ng ating mga kamay.

kamay sa hukay
Abril 14, 2023

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now