ang mga talata ba ay
dapat maging prosa't mga tula?
lahat ba dapat ng sasabihin
ko'y kalakip ang aking damdamin?salita ko'y wala ng saysay
wala na sa akmang gramatika,
wala na rin sa husay
magsabi ng mga salitang
walang tinanong ni-ano--walang hinahangad na dapat ibanggit,
walang salita na pilit iintindihin
sa aking mga tinuran,pwede bang sumambit nalang ako
ng mga bagay na walang ka-kuwenta kwenta
pero naiintindihan mo parin?sadya bang ang mga salita ko'y
dapat pang isipin nang malalim
gaya ng tanong kung
bakit lumiliwanag parin ang mga bituin?ang mga palad ko ba'y
abot mo parin
kahit ika'y nasa itaas
at ako'y nasa kailaliman
ng bangin?o sadyang hindi
mo lang talaga
ako sasagipin?Abril 23, 2023
![](https://img.wattpad.com/cover/355057252-288-k469348.jpg)
YOU ARE READING
Sa Dugo ng Araw
PoetryAng librong ito ay koleksyon ng mga prosa at tulang siniksik at inimbak ko sa likod ng aking puso. Wala akong pakahulugan sa deskripsiyon ng librong ito. Halo-halo ang mga piyesang naririto. Labo-labo rin ang petsa. Ang masasabi ko lang, lahat ng le...