Kaagad na lumapit sa kanya si Eileen.

"Sayo to galing ang bulaklak di ba? At ang ibig sabihin ng bulaklak ay panliligaw. Tama ba? Nililigawan mo na ba ako Josh?"

Lumapit din si Purita sa kanila.

"Para sa patay ang bulaklak. Pero para naman sa taong gusto niya ang tsokolate. Bhe! Ang sweet mo talaga," kinikilig na sabi ni Purita.

Napabuntong hininga na lang si Joshua.

###

"Paano ka nakakasigurado na kay Joshua nga galing ang tsokolateng iyon?" tanong ni Flower nang nasa library sila ni Purita.

"Basta. Nararamdaman ko na sa kanya galing yun. Kawawang Eileen, nag.aasume na si Dyuswa ko ang nagbibigay sa kanya ng bulaklak," natatawang sabi ni Purita.

"Shhhhhhh!" saway ng ibang estudyante. Napalabi siya.

"Itong mga estudyanteng ito kung maka.shhhh. hindi naman libro binabasa nila eh kundi pocketbooks. Tss."

"Next week na mag.uumpisa ang one on one tutorials ng senior sa junior. Gusto mo bang ako na lang ang tutor mo? Mahirap kasi kong di ko kilala eh. Di ko siya masasabunutan kung hindi niya alam ang tinuturo ko."

"Tse. Maghanap ka na lang nh iba. Kay Dyuswa ako magpapaturo."

####

Hinanap ni Purita si Dyuswa at nahanap nga niya ito na nakaupo sa isang bench at mag-isang nagbabasa ng libro.

"Hi bhe!"

Saglit lang siyang tiningnan nito kapagka ay bumalik sa pagbabasa.

"Bhe? Pwede bang ikaw ang maging tutor ko? Para naman mas madali akong matuto at kaharap ko ang inspiration ko," nakangiti niyang sabi.

Hindi siya nito pinansin kaya naman tumabi siya dito sa pag.upo.

"Ayoko sa bobo. Dahil magrereflect yun sakin kapag lowest ang evaluation ng tuturuan ko."

"Promise hindi kita ipapahiya. Mag-aaral ako ng mabuti. Please be my tutor."

Tumayo si Joshua.

"Hindi dahil sa magkasama tayo nun sa nangyaring insidente ibig sabihin ay pinapatawad na kita. Honestly naiinis pa rin ako sa pinanggagawa mo sa akin. I have Eileen now in my hands. Maghanap ka na lang ng iba," sabi nito at umalis.

"Bhe! Huwag ka namang ganyan. Mahal mo ako diba? Nagmamahalan tayo. Pero bakit di ako ang pinili mo???" sigaw niya.

###

Nasa isang kanto si Purita na sa likod lang ng school nila. Umiinom kasama si Flower.

"Sinamahan ko siya nang makidnap kami. Akala ko magiging okay na kami. Pero yung Eileen pa na yun ang pinili niyang turuan!" sabi niya.

"Tama na 'yan. Alam mo bang bawal uminom ang minor de edad? Ano ka ba bakla!"

"Ano bang meron sa Eileen na yun? Maganda naman ako ah."

"Dahil nga bobo ka."

"Ewan ko sayo. Tama na nga yan."

"Dyuswa ko!!! Dyus....waaaaaaah!!! Uwuwuwuwu," sabi niya at hinahampas hampas pa ang mesa.

"Hoy Ayissha! Umayos ka nga!"

Sinasabi nito ang totoong pangalan niya kapag sobrang galit na ito.

###

"Deretso ka na bang uuwi ngayon pare?" tanong ni Mario kay Joshua.

"Oo pare. Birthday kasi ni tita Hannah eh." Ang ibig niyang sabihin ay ang nakakabatang kapatid ng mommy niya na one year lang ang kinatandaan sa kanya.

"Oo nga pala. Nakakatakot pa naman ng tita mo na yun. Sige pare. Ingat ka. May dadaanan pa ako eh."

"Sige pare. Ingat ka rin," sabi niya at naglakad na.

###

Napahinto sa paglalakad si Joshua nang makasalubong niya si Purita. Bakit parang kakaiba ang mukha nito? Kulang na lang ay gumapang itong tulad ni Sadako sa gulo ng buhok nito. Gabi pa naman ngayon. Lumapit ito sa kanya at parang zombie kung maglakad.

"Dyus...wah!" sabi nito sa namamaos na tinig.

"Anong nangyari sayo? Lasing ka ba??"

"Bakit...bakit yung Eilandi pa ang kinuha mo para turuan?"

"I already told you the answer. Do you want to get hurt for the same answer over and over again?"

"Baka sakaling umiba ang sagot mo."

"No. Its final."

"Dyus...waaaah!!! Huhuhu!"

###

"Oh bat parang pinakain ka yata ng ampalaya na galing sa Bahay Kubo?" natatawang tanong ni Ginny kay Eileen na nakaupo sa sulok.

"Hindi daw siya nagagandahan sa akin.. Kaya...kaya...hindi ako ang pinili niya para turuan," pahikbi hikbi niyang sagot.

"Ha? Eh sino daw??*

"Eh di yung Puritambisyosa! Hindi ko matanggap. Hindi!!!" pagngungoyngoy niya.

Hindi niya matanggap. Ang sakit sakit pala kapag nanggaling sa taong mahal mo ang katotohanan.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon