"Alam na ba ni tatay?" Tanong ni Terrence nang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Tatay?" Ngisi ko sa kanya.

Tumawa lamang siya at hindi naman sumagot.

"Plano kong sabihin muna sa'yo pagkatapos ay sa kanya." Sabi ko.

Niliko niya ang sasakyan papasok sa street namin kung saan ako nakatira. "I want to be there when you tell him about this." Iyon lang at nakuha ko na ang kanyang ibig sabihin. Sa gabing iyon ay maraming naging reaksyon si tatay. Nagalit, natuwa, nagbilin at hindi nakapaghintay sa pagdating ng apo. Sa huli ay nagyakapan kaming dalawa, sumama si Terrence at natanggap na siya ng buong buo ng aking pamilya.

Puspusan ang paghahanda ko sa gabi at maaga akong natulog. Terrence kept on convincing me not yo join the fashion event tomorrow but I refuse. May responsibilidad na ako para roon at pinirmahan ko iyon sa kontrata. I am the finale at kung aatras ako ay baka mahirapan ang mga organizers lalo na si Ella sa paghahanap ng kapalit ko. Pinangako ko sa kanyang mag-iingat ako at pumayag siya sa kapalit na kasama ko siya sa likod ng stage habang naghahanda ako.

"I will stay here and help you." Ani Terrence, dala dala ang bag ko nang nasa dressing room na kami kasama ang tatlo pang models. Wala akong ibang dala sa aking bag kundi ang cellphone at wallet ko. Lahat naman ng kailangan ko ay nandito na at inasikaso ng mga staff.

"Sigurado ka? Hindi kaya maiilang sa'yo ang mga models?" Tanong kong nililingon ang mga babaeng napapatingin sa kanya. Of course, they know him. Anak siya ni Madam Kristin.

"Hayaan mo na sila. Ikaw naman ang concern ko rito." Walang pakealam na sagot niya.

Napahugot na lang ako ng malalim na hininga. Doon ay iniwan namin siya para magsimula sa maikling rehearsal.

Everything seems to be perfect. Ang buong venue ay dinesenyuhan na para bang nasa loob kami ng simbahan. Iba't ibang bulaklak ang nakapaligid sa lugar at may mga pillars pa na nakatayo sa magkabilaang parte ng stage. Sa mga pillars na iyon kami manggagaling isa isa. Ang babae sa kaliwa at ang lalaki sa kanan. Nang sumigaw na si Miss Pitchie na maghanda na para sa main event ay hindi na kami magkandaugaga.

Dalawang modelo ang naka-assign sa isang make-up artist at hairstylist. Si Terrence na hindi na umalis sa tabi ko ay nanatiling istorbo sa akin dahil parating bumabagsak ang mga mata ko sa kanya habang nanonood siya. His comments are also making me more nervous.

"Isn't it to much? Parang ang kapal na." Ani Terrence sa baklang naglalagay ng make-up ko.

Kinagat ko ang labi ko nang ngumisi ang bakla. "Kulang pa nga ho ito, sir. Mamaya sa stage makikita niyo."

"Mas maganda si Therese kung natural lang." Sabi niya ngunit hindi naman siya sinunod ng nag-aayos sa aking mukha.

Sumunod ay ang aking buhok. Obviously, he has his opinions again. "Hindi ba pwedeng nakaladlad? Just curl her hair and put it on one side." Aniya habang umiikot ang mata sa kabuuan ng buhok ko.

"No, sir. Hindi babagay sa hitsura ng gown. At hindi ma-e-emphasive ang ganda ni Miss Therese kung bagsak ang buhok niya. Kung nakataas ay makikita ang natural beauty niya.

"Natural beauty? Eh tinabunan na ng makapal na make-up ang mukha niya." Sininghalan ko na siya at inabot ng aking kamay para paluin.

Nakita ko ang pagtawa ng bakla at mabuti na lang ay hindi ito napipikon sa mga komento ni Terrence. Wala na siyang sinang-ayunan sa ayos ko. Ako yata ang naaasar at naiirita rito.

Lumaki lamang ang mata ni Terrence sa reaksyon ko. Para bang natural na sa kanyang umarte ng ganoon. Kung umarte siya ay para bang tama na siya ang mag-isip ng magiging hitsura ko dahil karapatan niya iyon. Inirapan ko na lamang siya at mabuti na lang ay tumigil na siya. Nang muli ko siyang tingnan ay nawala na ang pakealamero niyang mukha at natahimik na siya. Madalas niyang kinakagat ang labi niya at tumitingin sa kanyang relo na para bang may hinihintay.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now