Saktong pagbukas ko nito ay may nahulog na dahon ng kaimito. Curious ko itong kinuha at nakitang may nakasulat doon.

Dearerer Dyuswa,

Forgive me for introducing you're privacy, pero gusto lang kitang i-cheer ngayon sa practice mo. Hihi. Galingan mo ha? MYMP. Make your minamahal proud.

PS. Nasa gym lang ako. May dalang pompoms. Sasayawan kita ng My Boy Lollipop. You make my heart so giddy up... Hihi. Itsi-cheer kita. Promise.

Always loving you,

Innocent Purita

***

Nakailang shoot na ako at nakailang pasada na rin ako ng tingin sa mga manonood subalit wala pa rin akong nakitang babae na may hawak na pompoms at sumasayaw ng My Boy Lollipop. Ipinilig ko ang aking ulo.

I don't even give a damn care!

Natigil ako nang kakaisip nang tumama sa likod ko ang bola. Sumilbato ang coach namin. 

"Joshua! Ano bang nangyayari sayo??"

"Sorry coach."

After ng practice namin ay pumunta na ako ng locker ko. Napahinto ako sa pagbukas nang makita ang nakadikit na salon pas sa locker ko at may maliit na card.

Dearerest Dyuswa,

Ang galing mo talagang mag-drebol at mag-shoot. Pwede mo bang i-try 'yon sakin? Pwamis,  kwayit lang ako. Hihi. Joke lang po.

Gamitin mo salon pas sa likod mo para mawala ang sakit ng tama ng bola sayo. Hindi na ako nakadala ng pompoms kasi out of stock kanina ang straw eh. Hihi.

PS. Hahanapin ko ang bolang tumama sayo. Malandutang bola na yun. Nauna pa sakin sa paghawak sa likod mo. Hmp. Pwes, tatanggalan ko siya ng hangin. Bwahaha. Insert evel laf!

Mint for you,

PURITA, hart hart.

***

"Waaaaaah! Andiyan na siya!"

"Grabe kahit nakabusangot ang mukha pero ang gwapo-gwapo pa rin niya ano?"

"Haaaaaay.  Kung pwede lang sanang manligaw sa Senior,  gagawin ko talaga!"

"Pwede naman eh.  Kapalan mo lang mukha mo."

Napapahawak ako ng aking batok sa naririnig.  Hindi ba pwedeng pakihinaan na lang nila?

Ayaw na ayaw ko talaga sa mga babaeng naghahabol sa lalaki. 

Paglabas ko ng gate ng school ay huminto ako sa paglalakad.  May isang malaking puno ng kaimito kasi sa gilid ng school namin. 

May naalala ako.  Posible kayang doon kinuha ng Purita na iyon ang dahon ng kaimito na nilagyan nito ng sulat sa akin?

Ipinilig ko ang aking ulo.  Bakit ko pa ba poproblemahin 'yon?

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang matanaw ko ang isang babaeng estudyante sa kabilang kalsada. 

Napangiti ako.  Pero napalis din agad iyon nang may umakbay sa kanyang lalaki at nagsimula na silang maglakad palayo. 

Tss.  Forget it,  Joshua!

***

The next day...

"Sino ba kasi ang Purita na yan pare?" tanong ni Mario sa akin habang nagkakagulo ang mga kaklase namin. Wala pa kasi ang teacher namin sa Filipino. 

"I dont know. And I dont have any slightest idea kung sino siya. Kung kilala ko na siya matagal na siguro siyang naging basketball ring!"

"Chillax pre. Babae pa rin yun."

"I really need to find her. Para tigilan na niya ako. But i don't know how."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Mario.

"I have a brilliant idea!"

"Ano 'yon?"

Tumayo siya at pumwesto sa gitna at pinatahimik ang mga kaklase namin.

"May I have your attention please?"

Dahan-dahang tumahimik ang mga kaklase ko at ngayon ay tutok na ang atensiyon kay Mario. 

"Excited na ba kayo na makita si Purita ni Joshua??" tanong niya

"Oo. Oo."

"Si Joshua din mismo. Then, we have to do something!"

"Ano yun?"

"Magpu-PURITA HUNTING tayo simula ngayon!" masayang sabi niya.

Halatang excited ang lahat sa sinabi niya  Maging ako ay excited din sa ideyang ito. Ngayon, wala ka nang kawala PURITA.

"Okay! Lets do the PURITA HUNTING OPERATION!" Sigaw ni Mario.

"Awoo! Awoo!"

***

Dear Dyuswa,

Dinig ko pinapahanap mo daw ako? Ayeeeeh. Excited na siyang makita ako. Anestly, tinanong mo na ako kahapon eh. Hindi lang ako umamin syempre strict ang parents ko. Hihi.

Hindi mo ba alam na muntik ko nang makagat ang siko ko sa sobrang kilig.

Nag eyes to eyes kasi tayo weh. Iyon pa naman ang Akeles heels ko.

PS. Ang pangit ni Mario. Pano mo naging friend 'yon? Hihi.

Hart hart,

Purita

Ito yung nabasa ni kosa illustration board na nakalagay sa ilalim ng upuan ko.

Natanong ko raw ito kahapon? Sino sa kanila do'n? Naiinis na talaga ako sa babaeng iyon. Sino ba ang talaga ang Puritang ito?

###

3rd Person's POV

"Mirror, mirror on the floor. Ay on the wall. Maganda ba ako?" anang babaeng boses.

"Hoy bakla! Hindi ako mirror! At hindi ka maganda!" nang-iinis na sagot ng baklang kaibigan niya.

"Seryoso ka ba bakla?" tanong niya.

"Bahala ka nga d'yan. Wag mo na akong idamay pa sa kalokohan mo ha!??"

"Bakla naman. Tulungan mo na ako," ingos niya.

"Ayoko na!"

"Bakla...please. Malapit na siyang magkagusto sa akin eh. Pinapahanap na nga niya ako di ba?"

"Ikaw na talaga! Puritambisyosa!"

"One day isang araw, magkikita kami at sasabihin niya, 'Bhe, Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?" nangangarap niyang sabi.

Kaagad na tumunog ang malakas na kulog at nakakasilaw na kidlat.

"See? Agree ang kalikasan sakin!" sabi niya at pumapalakpak pa.

"Wala na! Magugunaw na ang mundo Purita!!!"

Muling kumulog at kumidlat.

"Sige pa! Sumang-ayon pa kayo sa akin!  Insert coin! Buwahahahaha!" humahalakhak niyang sabi. 

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now