WAKAS

288 10 1
                                    



Hey, thank you for supporting me. This will be last chapter.

____________________________-





Hinahagod ko ang likod ng babaeng mahal ko habang nakatingin sa kanyang kapatid na malalayo. Today is January 3 and Keiran left them. Kiella and Akella is crying for him. Huminto si Keiran at saka tumingin sa amin. Lalong humagulgol si Akella kaya naman niyakap ko 'to. Pinunasan ko ang mga luha nito.



"Mahal na mahal kita, Ate! Kiella!"



"I love you more, Keiran!" sagot ni Akella at si Kiella naman ay tumakbo rito.



Agad n'yang niyakap ang mga kapatid n'ya at saka hinihila 'to pabalik. Pinuntahan 'to ni mommy para hinalihin si Kiella para wag pigilan ang kapatid n'ya. Umiiyak si Keiran habang nakatingin sa bunsong kapatid n'ya.



Alam kong mahirap para sa kanila 'to. Ito ang unang beses na malalayo sila sa isa't isa. Ito ang unang beses, sobrang layo. Alam kong nahihirapan ang fiance ko. Alam kong sobrang nahihirapan s'ya pero pinili n'ya pa rin suportahan 'to



Umalis na kami doon nang hindi na namin makita si Keiran. Iyak pa rin ng iyak si Akella at hinalikan ko ang sintido nito.



"Hindi pababayaan ni Keiran ang sarili n'ya, baby," tumingin 'to sa akin.



"Sana man lang kahit kasal natin... gusto ko nandoon s'ya..." pinunasan ko ang luha n'ya habang nakangiti.





Hindi ko makakalimutan ang mga araw na kasama ko s'ya. Magkadikit ang bahay namin dahil ang mama n'ya at mommy ko ay magkaibigan. Madalas matulog magkatabi at hindi mapaghihiwalay ng kahit sino.



"Kiel!" sigaw ni Akella sa akin habang naka- swim suit. Napanguso ako dahil doon.



"Bawal 'yan hindi ba? Kasi bata pa tayo!"



"Sabi ni mama okay lang daw kasi baby pa ako," sagot n'ya sa akin.



Sumunod si Kiel na dalawang taon na pareho ang suot ko. Agad 'tong yumakap kay Akella at natawa ako dahil sa galit na naman ang tingin nito sa akin na para bang lagi akong aawayin.



"Keiran, doon ka muna kay mama," utos n'ya sa kanyang kapatid.



"No!" sigaw ni Keiran sa kan'ya kaya nakasimangot na ang magandang bata sa harapan ko.



Pareho kami ng age, pero para sa akin mas bata s'ya sa akin dahil sa hilig n'yang maglaro at lagi ko s'yang sinasamahan at sinusunod.



"Ikaw, Ezekiel? Lagi mong aalagaan si Akella ha? Prinsesa 'yon. Kaya dapat sinusunod mo ang mga gusto n'ya!" pagalit na sabi ni mommy at tumango ako.



At 'yon ang ginagawa ko. Kung gusto n'ya maglaro kami ng barbie? Fine. I'll be Ken for her. Nagsasalita s'ya at sasagot ako gamit ang barbie na lalaking hawak ko. Madalas ako pagtawanan at sabihan ng bakla dahil sa mga hawak ko pero wala akong pakiam dahil ang kasiyahan ni Akella ang kailangan ko.



Pag bored kami ay sasayaw kami sa bahay at ako kakanta.



Pag nakikita n'ya ang mga commercial ko ay lalapit s'ya doon.

"That's my bestfriend!"



She's proud of me. She will support me, kahit anong gusto ko? Nandoon s'ya para sa akin. Sa mga commercial shoots ko. Kahit ayoko pero ginagawa ko pa rin dahil gusto n'ya. Oo, gusto n'ya. Ayoko ng atensyon pero kung gusto n'ya gagawin ko.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now