Chapter 27

224 19 2
                                    



Dumating ang araw na birthday ni Kiella. Tuwang tuwa si Kiella dahil sa rooftop gaganapin ang kanyang birthday. Hindi ko aakalain na makukuha namin ang buong rooftop sa isang gabi para sa birthday ng kapatid ko. Kaibigan kasi nila Macey ang may-ari nito kaya pinagbigyan kaming lahat.



"Ate, dadating ba sila Ate Macey and Kuya Storm?" agad akong tumango dito bilang sagot ko.



Ang dami n'ya kasing tanong 'e. Tinatanong ano regalo ko sa kan'ya at regalo ni Keiran sa kan'ya pero hindi ko naman sinasabi. Mayro'n pa ay kung ano ang theme ng party n'ya.



Nag- photo shoot kasi s'ya sa roof top ilang days na nakalipas. Si Tita kasi may gusto na ganitong party at hindi ko naman matanggihan. Kahit naman tumanggi ako ay papayag ang kapatid ko. Marami daw s'yang inimbita at agad din daw pumayag noong nalaman nila nandoon si Kiel sa party.





"Marami akong regalo matatanggap kasi marami akong inimbita! Thanks to kuya Kiel!" masayang sabi nito habang nagtatalon sa kama.

Inilingan ko na lang ang kapatid ko. Bata pa kasi 'e. Minsan matured, minsan isip bata. Hindi ko maintindihan ang ugali n'ya. Hiniling n'ya pa sa tatlo na tugtugan s'ya sa birthday n'ya para daw mas masaya. Para daw s'yang mag-de- debut.



Kami ni Kiel? We are okay. Hindi ako cold sa kan'ya, s'ya naman ay maingat sa bawat galaw. Madalas sila dito sa Unit ni Macey para lang mag practice. Ginawa na nga nilang studion ang kwarto ni Kiella at si Kiella naman sa akin natutulog.



Minsan dumadalaw si Macey pag di pagod. Minsan dito s'ya nagpapalipas dahil nandito si Leidon. Syempre, mahal nila ang isa't isa. Lalo na't matured na ang relationship nila. Laging nandoon si Macey kung nasaan si Leidon at dala dala ang kanyang mga libro para mag- review. Hindi ko naman s'ya iniistorbo.



"Minsan kailangan mo rin sila dumalaw sa studio nila," napatingin ako kay Macey. "Masaya doon, may mga makilala ka pa," kinagat ko ang ilalim na labi ko.



"Hindi ko alam."



"Anong hindi? Kulang na nga lang sa in'yo label e. Maayos na ata kayong dalawa dahil wala na akong ilangan na nakikita sa in'yo," hindi ako sumagot.



These past few days kasi madalas kami maglaro ni Kiel tulad noon. Ang mga video games. Minsan pinag- aaralan ko na rin ang mobile legends para makalaro rin sa kanila. Tinutulungan nila ako magpa- rank up.



"Ano? Nagpalitan pa kayo ng cellphone dahil sa laro ha?" napatingin ako sa cellphone ni Kiel na nasa gilid ko.



Kinuha ko 'yon at saka nilagay ang finger print ko. Oo, s'ya may gawa nito para daw nabubuksan ko ang cellphone n'ya kahit anong oras. At gano'n din naman s'ya sa akin. Tahimik lang ako habang nakatingin sa cellphone nito.



"Nag- tetext pa ba si Jessa?" tumango ako dito. "I heard, some commercial are pulling out ha? Halos wala na s'yang project sa nangyari and the managers are sorry... napanood mo ba?"



"Wala na akong oras para pakinggan ang mga 'yon," sagot ko sa kan'ya,



"Karma nga naman 'no? Biglang bagsak s'ya sa nangyari dahil sa kasinungalingan n'ya---"



"Ate Macey, ano gift mo sa akin?" napatingin kami kay Kiella na sinusukat ang isang long dress habang sumasayaw.



"Ahm? Hindi ko alam 'e. Ano ba gusto mo para mabili ko agad?" Macey asked her.



"Latest iPhone sana---"



"Kiella! Ikaw talaga!" inis a sabi ko dito kaya napanguso 'to.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now