Chapter 15

115 4 0
                                    

"Unang beses mo ba dito?" agad akong tumango kay Macey bilang sagot ko. "Ay, dapat dalasan mo. Masarap dito," nakangiting sabi nito sa akin.



Pilit kong binaba ang suot ko. Isang fitted tube kasi suot ko at nakikita ang cleavage ko. Tapos hanggang kalahating hita at isang yuko ko na lang siguro baka makita na underwear ko kaya nahihiya ako. Halos pareho kaming suot ni Macey pero hindi man s'ya naiilang sa kanyang suot habang ako ay hindi sanay.



"Tara na!"



Hinila ako nito papunta sa isang sofa at pinaupo. Umorder agad s'ya nang para sa akin at nilapag sa harapan ko. Tinitigan ko 'yon at huminga ako nang malalim.



"Inumin mo na! Masarap 'yan at nakakalimot!" agad akong tumango dito at agad kong ininom pero agad ako napangiwi sa pait.



"Hindi naman masarap," sagot ko dito.



Binigay n'ya sa akin isang lemon at sinipsip ko 'yon. Kahit papaano ay nawala ang pait. Magkatabi kaming dalawa habang nakatingin sa dance floor.



"'Yung mukha mo. Abay, nandito tayo para makalimot ka pero mukhang iiyak ka," ngumiti lang ako dito.



"Sorry, hindi ko lang kasi alam paano gagawin ko. Nahihiya ako kasi first time ko..." sagot ko dito at napatango s'ya sa akin.

"Ayos lang 'yan. May susundo naman sa atin. Pauwi na rin si Kuya Storm at susunduin tayo no'n at babantayan tayo," tumango ako dito.



Sinubukan ko ulit tikamn 'yon at napapikit ako. Gumuguhit 'to sa lalamunan ko. Hindi ako makapaniwala na unang tikim ko ay ito agad ang matitikman ko. Umiinit ang pakiramdam ko at parang iba na ang paningin ko. Parang something na umaalon?



Oh gosh. Lasing ba ako?



"Tara sayaw!"



Agad ako nitong hinila pero napahinto s'ya dahil mukhang may humarang sa amin.



"Sasayaw ba tayo?" tanong ko dito.



"Who's this, Macey? Ang ganda naman n'ya," tumingin ako sa lalaking humarang sa amin. Hindi ko s'ya kilala pero kasama n'ya si Leidon.



"Manahimik ka. That's Kiel's girlfriend," sabi ni Leidon dito.



"Oh, sorry, didn't know. I am Migz..."



"Akella," nakangiting sabi ko dito saka tumingin ako kay Macey.

Bumalik kami sa upuan dahil sa kanila. Iniikot ko ang tingin ko sa paligid. Nahihilo ako at hindi ko alam anong gagawin ko. Binigyan akong shot ni Macey at agad kong tinanggap. Agad akong kumuha ng lemon saka tumingin sa kan'ya.



"Normal ba umikot ang paningin ko?" agad natawa 'to sa akin dahil sa tanong ko. "Umiikot ba ang mundo, Macey?"



"Lasing na ata s'ya," agad akong tumingin kay Migz.



"I am not. I'm not," tanggi ko at napatango s'ya.



"BS Nursing din s'ya tulad mo?" tanong nito kay Macey.



"Oo. We are classmate somes subjects, bakit?" agad na tanong nito.



"Bro, Kiel's girlfriend. Gusto ko lang ipapaalala sa 'yo lalo na't bubuo tayo ng banda at ayokong may away ha?" agad na sabi ni Leidon.



Niyakap ko si Macey at binaon ang ulo ko sa bandang dibdib nito. Narinig ko ang sana all ni Leidon pero wala naman sinabi si Macey.



"Uwi na tayo?"



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now