Kabanata 17

170 15 5
                                    

Imbis na tumakbo ako papuntang hospital ay napaupo na lang ako. Nanginginig ang katawan ko at wala akong lakas tumayo para umalis. Tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko sa sobrang sakit. Hirap na hirap ako, hindi ko matanggap ang nangyari, hindi ko matanggap bakit ganito? Bakit kailangan iwan ako?!



Bakit sabay pa sila? Bakit hindi isa- isa?



Nanginginig ang katawan ko at sabay ng pag buhos nang malakas na ulan ay sabay din ang mga luha ko.



Nanginginig ako sa sobrang sakit at lamig. Hindi ako makabangon, hindi ako makatayo. Hindi ko alam ano gagawin ko at saan ako kukuhan nang lakas para umalis. Pinilit kong tumayo pero natumba ako sa sobrang panghihina ko.



Durog na durog na ako. Sobrang durog na durog pero bakit ganito pa? Bakit kailangan mawalan ako? Bakit kailangan iwanan ako? Bakit kailangan ganito?



Bakit sabay sabay?



Anong ginawa ko para iwan ako? Anong ginawa ko para saktan ako nang ganito?



Tumunog muli ang cellphone ko. Nanginginig ko 'tong sinagot pero hindi ko mapindot dahil sobrang basa na ako ng ulan. Sinubukan kong sagutin 'to at saka tinapat sa tainga ko.



"Saan ka, Akella?! Hinihintay ka dito!" sigaw ni Macey sa akin.



"N-Nandito ako sa U-University... h-hindi ako makatayo," totoong sabi ko at hinang hina ang boses ko. "H-Hindi ko alam gagawin ko... t-tulungan mo ako, Macey. N-Napapagod na ako," nanginginig na sabi ko habang umiiyak.



"P-Pupuntahan kita d'yan! Hintayin mo ako!"



Namatay ang tawag at pinili ko na lang yakapin ang sarili ko. Tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko at maya maya ay naramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa pwesto ko. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko at doon, nakita ko si Storm.



Pinilit kong tumayo at natumba ako. Binitawan n'ya ang payong at saka mabilis akong niyakap.



"Ayoko na, Storm. Pagod na pagod na ako," humigpit ang yakap ko dito. "Hindi ko na kaya! Bakit ganito? Bakit kailangan nila akong saktan!"





"Shh, nandito ako. Nandito ako..."



Nanginginig ang katawan ko habang tumutulo ang luha ko na yakap yakap s'ya. "Storm, iniwan na ako ni papa... iniwan pa n'ya ako..."



Humigpit ang yakap nito sa akin at tuluyan na ako nawalan ng malay. Nagising ako na nasa isang kwarto ako, nanginginig ang katawan ko at hinang hina.



Umupo ako sa kama at doon ko lang napansin na nasa kwarto ako. Sinubukan kong kumilos at saka pumunta sa labas. Doon nakita ko si Keiran na may dalang pagkain para sa akin.



"Ate, kumain ka na..."



"S-Si papa?" tumulo ang luha nito na parang bata.



Tuluyan na akong napaupo. Binaba ni Keiran ang pagkain at saka inalalayan ako. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang sakit. Sobrang sakit, bakit iniwan n'ya ako?



Pa, bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo kami iniwan? Bata pa si Kiella para iwan mo kami. Kailangan ka pa namin.



"Ate, kumain ka na. P-Pupunta tayong chapel..."



"H-Hindi pa patay si papa. H-Hindi pa? Hindi ba? Keiran! Sumagot ka!" sigaw ko dito pero humagulgol lang 'to sa tabi ko.



"Bakit n'ya tayo iniwan? Bakit? Hindi pa tayo handa 'e!" sigaw ko sa kan'ya.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon