Kabanata 10

114 5 0
                                    

Nauna akong naligo kay Macey at sumunod s'ya. Pinapatuyo ko ang buhok ko sa kwarto ko habang nakatingin sa salamin. Kinuha ko ang Uniform ko saka sinuot na 'to. Nag- light make up ako habang hinihintay s'ya.



Pumasok s'ya na naka- uniform na. Sinimulan kong ayusin ang buhok ko para wala na akong gagawin sa University. Mabilis lang din natapos si Macey at mukhang gamay n'ya na ang mga ginagawa n'ya ha? Umalis na kami doon at saka bumaba. Pagayak na rin ang mga kapatid ko.



"Yung pinto ha?"



"Bye," paalam ni Macey dito.



Lumabas na kami saka sumakay sa sasakyan ni Macey. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at doon nakita kong may text si Kiel. Agad akong nag- reply dito.



"Thanks for the lunch."



"I miss you. Uuwi ulit ako para tabi tayo matulog."



Napangiti ako sa text n'ya at agad ako nag reply.



Me:



Okay, take care yourself.



Tinago ko na ang cellphon eko.



"Be ready ha? Kasi ilalabas na picture n'yo ni Kiel sa public. Baka makatanggap ka ng bash," napatingin ako sa kan'ya.



"Kahit gano'n lang? Makakatanggap?" she nodded.



"There's a difference of being fan. Some of fan are matured enough to accept what their idol's want. Some of them are immature and war freak. They will curse you like you are fault in the everything. Blaming you in something you didn't do. Just be ready, you're committed to this. Kung mahal mo si Kiel? You would gladly to accept it," hindi agad ako nakapag salita dahil sa narinig ko.



"I am your friend. Kaya sinasabi ko ang mga kailangan mong gawin. It will be hard for you lalo na't publicity ang nangyayari sa kanila ni Jessa. Basta, ignore na lang." tumango ako dito.



"Kinakabahan ako pero kailangan ko na lang wag pansinin."



"Tama 'yan. Sikat ngayon ang boyfriend mo dahil sa magagandang musika na nilabas n'ya at lalo na sa kanilang dalawa ni Jessa."



Hindi na ako sumagot dahil kahit ano naman sabihin ko ay tama si Macey. Sa mundo namin ni Kiel ay magkaiba na. Hindi na iisa mundo ginagalawan naming dalawa. Pinasok n'ya ang isang mundo para sa pangarap n'ya habang ako ay nanatili sa mundong kung saan n'ya ako iniwan.





Nanatili ako dito para sa kan'ya at naghihintay ako para sa kan'ya.



Hindi ko alam kung kailan s'ya babalik or babalik pa ba s'ya sa mundong 'to. Pero sana, oo. Ako sana maging dahilan para bumalik s'ya sa mundong 'to. Mahal ko s'ya, sobrang mahal ko s'ya at hindi ko masabi sa kan'ya 'yon dahil takot ako.



Takot ako na baka sa aming dalawa ay ako lang nagmamahal. Hindi ko pa naririnig sa kan'ya ang salitang 'yon, kahit isang beses. He likes me, pero iba pa rin kung mahal n'ya ako.



Naghiwalay na kami ni Macey nang makarating kami sa University. Usap usapan si Kiel sa room at ako naman ay naupo lang sa isang gilid.



"Hindi ba hoy! Nag- enroll daw s'ya dito noong enroll-an pero hindi tinuloy na pumasok dahil daw biglang sikat at baka daw dumugin," rinig kong sabi ng isa.



"May kasama daw na babae ha? Sinabi daw girlfriend? Eh ano nangyayari sa kanila ni Jessa?"



Iilan lang ang namumukhaan ako tulad ng babaeng nakita ko sa Cr kahapon. Pero sinabi ko naman sa kan'ya na hindi totoo 'yon. Sinabi ko sa kan'ya na kaibigan lang ako. Para sa career nila, para sa kanilang dalawa. Ayokong masira pinaghirapan n'ya dahil sa akin.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon