Kabanata 11

96 4 0
                                    



Tinawagan ko si mama at dumating naman agad s'ya. Halatang galing s'ya trabaho. Naabutan n'ya ako sa loob ng emergency room habang nakatingin kay papa na mukhang natutulog. Kinausap agad s'ya ni Doctor Parker.



Maya't maya tumutulo ang luha ko habang nakatingin kay papa na nakahiga sa kama, walang malay. May kung ano ano nakatusok sa kan'ya para makahiga nang maluwag. Hindi ko mapigilan masaktan sa lahat.



Hindi ko alam kung kaya ko pa ba ipagpatuloy ang pag-aaral ko dahil sa nangyayari pero sa tingin ko ay hindi ko na kaya. Kailangan ako ng pamilya ko. Kailangan namin ng maraming pera para sa sakit ni papa. At mas lalong hindi namin mababayaran ang utang namin. Mas lalo kami mababaon sa nangyayari.



Kung uutang ako? Baka mapaano na kami. Baka hindi lang bahay ang kuhanin sa amin. Nanginginig ang buong katawan ko.



Ang hirap hirap mag- isip. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nangyayari. Sobrang hirap at wala man akong magawa.



"Kailangan muna manatili ang ama mo dito---"



"Alam ko," putol ko dito.



Hindi ko maiwasan magalit sa kanya dahil sa nangyayari.



"S-Sorry---"



Humarap ako sa kan'ya kahit puno ng mga luha ang mga mata ko.



"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?" nanginginig na tanong ko. "Alam mo ba na ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to? Maayos naman ang trabaho ni papa, ang kalagayan n'ya. Maayos tayo pero bakit mas inuuna mo bisyo mo kaysa sa maaring mangyari!" galit na sabi ko sa kan'ya at nakita kong tumulo ang luha n'ya.



"Ma! Papa is stressed because of your debt! Hindi n'ya alam paano babayaran? Saan kukuhanin? Anong gagawin n'ya? Halos hindi na alam ni papa at ito ang nangyari dahil sa kakaisip n'ya!" bumuhos ang luha ko at halos hindi na ako makatayo dahil sa panghihina ko.





"I-I am sorry. H-Hindi ko sinasadya lahat..."



"Hirap na ng buhay na 'tin, ma. Maayos naman noong una, kahit simple hindi ba? B-Bakit? Ano nangyari?"



Narinig ko ang mahihinang hikbi nito dahil sa mga sinasabi ko.



"Ano sasabihin ko sa mga kapatid ko? Kung bakit wala si papa sa bahay? Bakit hindi umuuwi si papa?" nanginginig na sabi ko. "A-Ano sasabihin ko? A-Ayoko mag-isip si Keiran, bata pa si Kiella. Ayokong malaman nila 'to."



"S-Sorry, sorry."



Huminga ako nang malalim saka humarap sa kan'ya.



Dahil sa bawat desisyon kailangan may isuko. Kailangan ay bitawan sa mahihirap na sitwasyon. Kailangan may magsakripisyo sa mga nangyayari at alam kong ako 'yon. Ako 'yon dahil ako ang panganay na anak.



"Hindi muna ako mag-aaral," agad na sabi ko dito saka tumingin sa kan'ya. "Maghahanap ako ng trabaho. Mas magandang trabaho para mabayaran ang babayarin dito at mga gamot ni papa---"





"Anak, hindi---" Tumingin ako sa kan'ya kaya napatigil s'ya.



"Hindi? Bakit, ma? Anong magagawa kung isa lang may trabaho? Magkano lang sahod mo? Pag pinagsama natin sahod na 'tin ay mas malaki. Kaya hindi na ako mag-aaral. Nand'yan pa naman ang Z&R. Malaki kita ko doon kaya may pang gamot na si papa."

Tumayo ako at tumingin sa kan'ya.



"Pupunta ako sa University ngayon para sa drop out ko."



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now