Kabanata 2

199 11 0
                                    



Kinabukasan sa pagdilat ko ay wala nga si Kiel. Mukhang nakauwi na 'to bago pa ako magising at mukhang tinotoo n'ya ang sinabi n'ya kagabi. Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang pababa ako ng kama.



Bumukas ang pinto at nakita ko si Kiel kasama si Kiella na para bang tuwang tuwa.



"Ate, totoo bang isasama n'yo ako sa enrollment n'yo?"



"H-Huh? Hindi s'ya pwede! May pasok s'ya ha---"



"Program lang naman, ate! Boring 'yon!" inirapan ko ang bata na 'to.



"Papasok ka. Ihahatid ka namin. At kami ni Kiel ay mag-e-enroll," ito naman ngayon ang umirap sa akin at hindi ko pinansin.



Tumingin ako kay Kiel na ngayon ay nakatitig sa 'kin. Bigla tuloy ako na conscious sa itsura ko. Agad akong dumiretso sa cabinet ko para kumuha ng damit na pwedeng isuot. Sigurado akong puro mayayaman ang mga tao doon. Sigurado ako kaya kailangan maganda rin ang susuotin ko.



"Ahm... Kiel?" agad s'yang lumapit sa akin kaya napangiti ako. "Ipili mo akong damit. Nakakahiya kasi pag nandoon na tayo? Puro mayayaman ang mga tao do'n--"



"Ano naman? Mukha ka naman mayaman ha? Ang ganda ganda mo pa," biglang nag-init ang pisnge ko dahil sa narinig ko.



"W-Wag mo ko bolahin! Ipili mo na ako!"

Hinalikan pa nito ang pisnge ko bago pumunta doon sa cabinet ko. Sinilip ko s'ya para tignan kung ano gusto n'yang suotin ko. Nakita kong isang sleeveless dress 'yon na hanggang ilalim na tuhod. It was simple pero kita masyado ang braso ko.



"M-Mataba braso ko, nakakahiya naman---"



"Nahh. It looks good on you, baby. Trust me."



Agad akong tumango dito at kinuha 'yon. Kumuha rin ako underwear saka tumingin sa kan'ya. Umiwas agad s'ya nang tingin sa akin. Nilagay ko sa likod ko ang tube bra ko saka panty ko dahil nakakahiya.



"Maliligo na ako?"



"Sige. Hintayin kita sa ibaba? Sabay tayo mag-breakfast," tumango ako dito.



Sabay sabay kami lumabas at dumiretso ako sa Cr. Bago ako pumasok at tumingin ako kay Kiel na nakatingin sa akin. Ngumiti ako rito at saka tinuro ko sa loob ng Cr.



"Gusto mong sumama ako?"



Agad akong pumasok sa loob at lihim na kinilig. Huminga ako nang malalim at sinimulan ko na maligo. Hindi ko mapigilan mapangiti kahit na naliligo ako. Sobrang kinikilig ako sa kan'ya, kahit na anong gawin n'ya. Hindi ko alam pero ang saya saya ko. Kahit simple lang sa amin, kahit magkasama lang kami ay para bang sobrang saya namin.



Para bang kuntento na kami sa mga mayro'n kaming dalawa.



Natapos ako maligo ay kinuha ko ang towel. Sinimulan ko nang punasan ang sarili ko hanggang isuot ko na ang mga underwear ko sunod ang dress.



Inayos ko ang buhok ko. Inikot ko ang towel doon at saka lumabas ako. Agad akong dumiretso papunta sa kwarto ko.



Kumuha ako ng blow dry. Umupo ako saka sinimulan na patuyuin 'to. Tahimik lang ako sa ginagawa ko habang nakaupo. Natapos ako at saka sinimulan na ayusin ang sarili ko. Hindi ko alam kung okay lang ba ang polbo doon? Pero nahihiya ako.



Kinuha ko ang mga regalo sa akin ni mommy, mommy ni Kiel. Naglagay ako ng konting liquid foundation at napangiti ako dahil maayos 'to. Ang ganda ganda nito sa mukha at parang nag polbo ako pero maayos na.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now