Chapter 28

206 10 0
                                    



"May alam ka ba sa desisyon ni Keiran, Kiel? I've been asking him 'e. Hindi n'ya ako sinasagot na para bang iniiwasan n'ya pa ako pag tinatanong ko ang tungkol sa exchange students..."



Inayos nito ang mahabang buhok ko. Pagod kami kagabi dahil sa nangyari. Hinayaan ko rin uminom sila Macey at dito na lang mag- over night. Tuwang tuwa sila dahil talagang para kaming nakakawala kagabi. Si Kiella ay masayang masaya lang nagbubukas ng kanyang mga regalo sa labas at hindi makapaniwala sa mga natatanggap n'ya.



"Hindi ko rin alam. Hindi ko naman s'ya kinakausap tungkol doon."



"Pag nagsabi sa 'yo? Sabihin mo agad sa akin ha?"



Sa totoo lang, hindi ko alam ano label namin. Basta para sa kan'ya? Kan'ya na ako. Habang ako? Alam ko naman na akin s'ya. Pero wala lang talagang label kaming dalawa at para bang kuntento na kami sa anong mayro'n kami.



"Feel ko mas uunahin pa no'n sabihin sa 'yo kaysa sa akin. Kapatid ka at alam n'yang masasaktan s'ya pag ako ang unang nakaalam," napatingin ako sa kan'ya dahil doon.



"Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Paano kung pumayag s'ya? Edi ibig sabihin malalayo s'ya sa akin? Paano pag hindi? Pinili n'ya kami kaysa sa pangarap n'ya?" tumango 'to sa akin.



"One thing, baby. You should support him. You are his ate and he's expecting that you would support him whatever his decision," natahimik ako dahil doon. "Isipin mo noong mga bata tayo? Ano ang mga pangarap n'ya. Anong sabi n'ya?"



"He will be successful Engineer..."



"And?"



"We will support him..." tumango s'ya sa akin at pinisil ang pisnge ko. "Pero hindi ako handa mawalay ang kapatid ko---"



"Baby, after this sem. Saka aalis si Keiran kung sakaling totoong pumayag s'ya. Kailangan n'ya ng pirma mo para makaalis s'ya at kung hindi ka papayag? Hindi n'ya maabot ang pangarap n'ya," napalunok ako sa narinig ko. "Kaya sana maintindihan mo s'ya," dahan dahan akong tumango dito.



Sinimulan n'ya muling suklayin ang buhok ko. Nakakaramdam pa ako ng antok pero ayoko naman s'yang tulugan. Hindi na nga ako nakakapasok sa trabaho ko ilang araw na at okay lang naman daw 'yon sabi nila Tita Rhaine. Hindi naman daw makaka- apekto sa akin 'yon dahil kinausap n'ya na ang mga may- ari.



"You can sleep, baby..." agad akong umiling dito.



"Kailangan mo na pumunta sa practice mo. Malapit na ang concert mo hindi ba?" napatitig s'ya sa akin dahil doon. "Sige na. Ako na bahala dahil baka hinahanap ka na nila---"



"May party ako pupuntahan mamaya. It's a business party and I want you to come with me," nagulat ako sa sinabi n'ya. "Please? M-May dress ka na susuotin," umiwas s'ya nang tingin sa akin.



"O-Okay..."



"Sumama ka na rin sa studio. Kung inaantok ka? Pwede ka doon matulog," nakangiting sabi n'ya sa akin na para bang hindi s'ya aalis na kasama ako.



"O-Okay..." napa- yes s'ya dahil doon at agad dinampian ng halik ang labi ko.



Bumaba s'ya ng kama para maghanap ng damit. Ngumiti ako at saka inayos na ang sarili ko. Nakalugay pa rin ang mahabang buhok ko at straight na straight dahil sa pagsuklay n'ya.



Isang cotton shorts ang suot ko at isang tee- shirt. Hindi ko alam kung okay ba 'tong suotin o hindi. Nahihiya kasi ako mag-suot ng ganito ngayon lalo na't may practice s'ya. Paano kung maraming tao doon? Hindi ko alam anong susuotin ko.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon