Kabanata 26

179 12 0
                                    



"Walang araw, gabi ako hindi umiiyak. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na sumuko pero alam kong pagsumuko ako? Wala na. Talo na ako," napahikbi ako. "Nakakapagod, Ezekiel. Nakakapagod ang mga araw na 'yon at kailangan na kailangan kita... ikaw ang kailangan ko pero pinagkait mo ang sarili mo sa akin," tumingin ako sa kan'ya.

Ngayon ay tumutulo na ang luha n'ya habang nakatingin sa akin.



"Pagod na pagod ako. Wala akong matakbuhan. Walang alam mga kapatid ko sa nararamdaman ko dahil alam kong pagod din sila sa nangyayari. Si mama, hindi ko magawang sabihin sa kan'ya because she was devastated and busy, she's blaming herself for everything, Kiel. I didn't mean to blamed her," huminga ako nang malalim.



Akmang lalapit s'ya pero umantras ako.



"Nangako ka sa akin na hindi ko ako iiwan, na babalik ka, na babawi ka... Pero isa lang ang tinototoo mo sa lahat ng 'yon... ang bumalik ka... pero iniwan mo din ako," pumikit s'ya at alam kong nasasaktan s'ya.



Pareho kami nasasaktan pero ngumiti ako sa kan'ya. Ngumiti ako na parang maayos ang lahat. Ngumiti ako kasi 'yon lang naman magagawa ko.



"Iniwan mo ako... sa panahong kailangan kita..." narinig ko ang hikbi n'ya.



Namumula ang ilong n'ya, ang tainga n'ya at hindi makatingin sa akin.



"Kahit na sabihin mo na para sa akin 'yon? Para protektahan ako? Saan? Sa fans n'yo?" umiling s'ya sa akin habang nanginginig.



"A-Akella, baby..."



"Iniwan mo ako sa panahong ikaw ang kinakapitan ko..." humagulgol s'ya sa harapan ko... "kahit na sabihin mo para sa akin 'yon? Bakit, Ezekiel? Alam mo ba ang nararamdaman ko? A-Alam mo ba gaano ako nasaktan? Dinurog mo ako... winasak mo ako ng husto..."



Gusto ko s'ya yakapin at punasan ang luha n'ya. Pero hindi ko ginawa. Dahil alam kong kailangan ko ilabas lahat ng 'to. Lahat lahat nang nararamdaman ko noong panahong iniwan n'ya ako.



"H-Hindi mo ba na inisip na? Kailangan kita... bakit inisip mo 'yung mga sasabihin nila kaysa sa nararamdaman ko..."



"I-I'm sorry..."



"Bakit mas inisip mo ang maaring mangyayari kaysa sa nararamdaman ko..." pinunasan ko ang luha ko. "Ezekiel, bumuo tayo ng mundo na 'tin. Ikaw ang nag- ayang bumuo ng mundo natin pero bakit mo ako iniwan na mag-isa?"



"H-hindi ko sinasad'ya. I am sorry, I am really sorry, baby. P-Please..."



"You left me that night and my papa was dying. I left my papa in the hospital to see you. 'Cause I missed you so much and I needed you that night. I needed your hugs, Ezekiel. I needed your touch to make me calm... you left me... my papa left me," humagulgol ako sa harapan n'ya at hindi ko na napigilan ang paglapit n'ya.

Niyakap n'ya ako nang mahigpit at hindi ko man magawang itulak s'ya.

Tinulak ko s'ya pero hindi ko aakalain na nanghihina din s'ya na tulad ko.



"Tinago ko lahat, Ezekiel. Ayokong isipin mo ang problema ko dahil alam kong busy ka sa pangarap mo. H-Hindi ko pinagkait sa 'yo ang pangarap mo pero nagawa mong ipagkait sa akin ang sarili mo..."



Tinakpan ko ang mukha ko.



"I am thankful because I met Macey. Si Macey, Storm and Sandro... sila umalalay at tumulong sa akin sa mga panahong hirap na hirap ako. Sila naging paa at pader ko, inalalayan nila ako sa lahat ng oras... sa oras na pagod na pagod na ako..."



Akella Espejo (Daughter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon