Kabanata 20

202 18 5
                                    



"Uuwi na ako," agad na paalam ko sa kanila at tinago ang cellphone ko.



"Si Kiella ba tumawag?" tumango ako kay Storm.



Bumaba ang kamay nito sa hita ko na kinagulat ko. Agad kong inalis 'yon at saka tumayo.



"Sandali! Ihahatid ka ni Kuya---"



"Wag na!" agad na sabi ko kay Macey.



Inayos ko ang sarili ko habang papalabas ng Club.



Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig n'ya. Ang alam ko lang ay naghiwalay na sila ni Jessa dahil madalas na s'ya mag- isa at kasama ang mga banda nila. Wala na silang dalawa, 'yun ang rumored at hindi na ako nag- alam pa ano ang dahilan.



Nagulat ako nang may humila sa akin. Nagulat ako nang makita ko si Storm at mukhang lasing na talaga s'ya.



"Bakit ka aalis? Dahil ba nandoon s'ya?" agad na tanong nito sa akin.



"No, Storm. Kiella called me. Pinauuwi na n'ya ako dahil hindi s'ya makatulog," sagot ko dito pero tumitig lang s'ya sa akin.



Sinandal ako nito sa pader at hindi na ako kumilos. Unti unti lumapit ang mukha n'ya at iniwas ko ang mukha ko. Naramdaman ko ang labi n'ya sa labi ko.



"Gustong gusto talaga kita," mahinang bulong n'ya. "Bakit hindi mo ako magawang magustuhan?"



"S-Sorry, Storm. Hindi pa ako handa sa kahit anong relasyon---"



"You are twenty three. Tama na ang edad mo. Bakit hindi pa rin pwede?" nang hihinang sabi n'ya sa akin. "Ako? Gustong gusto kita. Bakit hindi tayo pwede? Ayaw mo ba sa akin?"



"H-Hindi, Storm. Mabait kang kaibigan," natawa s'ya nang mahina dahil doon.



"Ayokong kaibigan. Gusto ko higit pa," napalunok ako at bumitaw s'ya sa akin. "Pakasalan mo na ako,"   nagulat ako sa sinabi n'ya. "Gustuhin mo naman ako oh? Mahalin mo ako. Ako na bahala sa lahat... hindi kita sasaktan. Hindi kita pababayaan..." huminga ako nang malalim.



"Sorry, Storm. Uuwi na ako. Bukas na lang tayo mag- usap," akmang aalis ako pero kinulong n'ya ako sa magkabilang braso n'ya.

Hindi ko alam ano gagawin ko dahil doon. Bumaba ang kamay nito sa baywang ko. Iniwas ko ang mukha ko dito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kiel. Umiwas lang ako nang tingin dito. Nakatitig sa amin 'tong dalawa at hindi ko alam bakit nandito s'ya.



"Ihatid mo na ako. Ayokong masira pagkakaibigan na 'tin," mahinang sabi ko kaya napahinto s'ya.



Sinubsob n'ya ang kanyang mukha sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin s'ya dahil doon.



"Sorry..." mahinang sabi ko. "Hindi ako nababagay sa 'yo. Pakasalan mo ang babaeng gusto ng ama mo para sa 'yo. Wag ako... dahil wala ka mapapala sa akin," totoong sabi ko.



"Susunod ako sa 'yo. Susundin kita..." napangiti ako sa sinabi nito. "I want to kiss you. Let me, please? Goodbye kiss for this feelings," natatawang sabi n'ya.



"Okay..." napalunok ako.





Wala na akong pakielam kahit nanonood si Kiel. Alam ko naman wala s'yang mararamdaman sa akin kahit ano. Kaya wala lang din sa kan'ya kahit makita n'yang may humalik sa akin.





Humiwalay s'ya sa akin. Ngumiti ako dito at hinawakan nito ang pisnge ko. Napalunok ako at pinikit ang mga mata ko. Hinayaan kong sakupin n'ya ang labi ko.



Akella Espejo (Daughter Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें