Kabanata 4

122 8 0
                                    

Hindi ako sumama sa record ni Kiel dahil walang magbabantay kay Kiella. Lalo na't two days pala ang program nito. Hindi ko na lang sinabi kay mama 'yon at ako na lang sumama. Dala-dala ko ang lunch box naming dalawa habang papasok kami sa School nila.



Naka-uniform s'ya habang ako ay naka shorts and isang tee shirt lang. Pumunta kami sa room nila at doon ay nandoon ang mga kaklase n'ya. Mga naglalaro 'to at iba't ibang kulay ang suot.



"Kiella, bakit di mo naman sinabi sa akin---"



"Yoko nga! Ayoko magsuot ng tee shirt!" agad na putol nito sa akin gamit ang mataray na boses.



"Kie! Hello---"



"Kiella pangalan ko. Nakakairita naman 'to." napalunok ako dahil mukhang kahit dito ay mataray ang kapatid ko.



"Mas maganda ang Kie, bagay sa 'yo! Ang ganda mo kasi."



Tinaasan ni Kiella ng kilay 'to at saka umupo sa kanyang upuan. Lalabas na sana ako pero nagsalita na naman ang lalaking 'yon.



"Ikaw ba ate ni Kiella?" agad akong tumango dito. "Crush ko s'ya. Pwede ko ba s'ya ligawan?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko mula dito.



"Ay jusko! Anak, ano na naman ba pinagsasabi mo?" lumapit dito ang isang ginang at mukhang hiyang hiya sa sinabi ng anak n'ya. "Pasensya na ha? Kapatid mo ba ang magandang batang 'yon?" tumango ako dito. "Nako! Pasensya na. Crush na crush kasi n'ya."



"Ayos lang po." natatawang sabi ko at napatingin ako sa kapatid ko na mukhang... natutulog?! agad ko 'tong nilapitan at hinila ang tainga.



"Ate naman! Natutulog ako 'e!"



"Natutulog ka? May program!" pagalit na sabi ko dito.



"Simula na ba? Hindi naman ha!" mataray na sabi nito sa akin.



Hindi ko na alam anong gagawin sa kapatid ko sa sobrang taray. Kaya wala na akong magawa kung hindi hayaan 'to. Umupo na lang ako sa labas kung saan nakikita ko s'ya. Tahimik lang ako dahil nakatulog na nga 'to dahil nakanganga pa 'to.

Napangiti ako dahil doon.



Ang ganda ni Kiella. Sobrang ganda n'yang bata.



Kung maamo ang mukha ko? Mas maamo ang kanya pero pag nagising 'to? Sobrang taray nito. Hindi na ako makapalag sa bata nito sa sobrang taray pero wala naman na akong magagawa dahil doon. Mabait naman si Kiella 'e, pero minsan lang. Hindi naging pabigat sa bahay simula noong nag-aral s'ya. Ayaw n'ya tinuruan s'ya at lahat naman kami ay mabilis matuto.



Sabi ni mommy? Mana daw kami kay papa dahil sa sobrang talino nito. Si mama kasi pagala-gala lang noon pero mataray. Si Kiella lang daw nakakuha ng ugali ng dalawa. Matalino pero mataray at totoo naman.



May dumating na mga clown at pinalabas na ang mga bata kaya tumayo ako. Pero hindi man nagising ang kapatid ko sa ingay kaya naman pumasok na lang ako sa loob para bantayan s'ya.



"Kiella!" tawag ng teacher n'ya at mukhang gulat pa na nakita ako. "Sorry, kailangan kasi s'ya doon."



"Sige po," nakangiting sabi ko. "Kiella, tara na. May clown doon." agad 'to napabangon dahil doon.



"Clown?" tumango ako at agad lumabas para pumunta doon.



Natawa ako nang mahina at saka sumunod.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now