Kabanata 24

266 18 4
                                    



Hindi ko alam saan ako kumuha nang lakas na loob para sabihin lahat ng 'yon. Para sa pangalan ko. Sawa na akong itago ang lahat.

Nag viral ang video ko. Kaya kahit I-delete ko 'yon ay wala. Kalat na rin naman din kahit saang pages. My name was top 2 trending list.



Akella's statement.



Iba iba ang mga sinasabi ng tao pero bago daw sila maniwala sa akin ay si Kiel daw papakinggan nila. Gusto nila marinig ang side ni Kiel at tanungin daw muli si Jessa. Tumawag ang tita ko tungkol sa nangyari. Galit na galit sa akin 'to at gusto na ako pauwiin pero hindi ako pumayag.

Si Kiella naman ay masayang masaya akong niyakap dahil sa nasabi ko ang lahat. Nag- live din s'ya tungkol sa issue.



"What? Hindi nga sa akin sinabi ni ate ang nangyari. Search a blind item. Doon ko nalaman lahat... Kaya napagtagpi tagpi ko ang katotohanan..."



"What? My sister is not user, duuh. Anong untalented. Ate, kantahan mo nga 'to!"



Hindi ko s'ya pinansin at tahimik ko na lang pinagpatuloy ang pagluluto ko.



"Napanood na kaya ni Kiel?" tanong ni Macey sa akin pero hindi ko sinagot.



Kahit paano ay naging maagan na ang pakiramdam ko dahil sa mga nasabi ko. Nakahinga ako nang maluwag at nawala ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko aakalain... sa ilang taon na dala ko 'to ay ngayon lang luluwag ang lahat. Kinagat ko ang ilalim nang labi ko saka inayos na ang niluto ko.



"Tita posted a statement, too! Check it!"

Agad akong pumunta doon dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako.



"My son's manager is fucking a desperate. I want to sue him for tricking my son years ago. Pinapirma ang anak ko sa kontratang kailangan hiwalayan ang manugang ko ,kung hindi pwede s'ya makulong and that woman? Hindi ko kahit kailan ginusto 'yan. And about sa video na nasampal ko si Akella. It was misunderstanding. I was mad at her for not telling me about what happened to her life and blaming her... I am sorry, Akella. I hope you visit me here in Village..." ngumiti ako nang tipid.



"And about Jessa and Kiel, their relationship is not legit. Is not real. They are using my son. Lol, don't me, Jessa. Iisa pa manager n'yo ha? Wag n'yo kong gigilin dahil ipapakulong ko kayo sa ginawa n'yo."



"Iba talaga ang showbiz 'no?" bulong ni Macey. "Basahin mo 'to..."



"Madalas tumawag sa akin ang anak ko. Pero sa akin lang nakakatawag at narinig ko na pinapayagan lang nila tumawag ang anak ko at humawak ng cellphone pag ako ang kausap. Pero pag si Akella ay bawal daw. Anong rules 'yan? Nakakadiri naman mga manager n'yo A&A. Gan'yan ba mga tinatanggap n'yo? Puro basura. Buti na lang lumipat na ang anak ko sa LM."



Natawa ako sa pag babasa ni Macey.



Sobrang haba kasi ng post ni tita kaya naman binabasa ko rin.



"Totoong may relasyon ang anak ko at si Akella. Eh hindi mo nga mapaghihiwalay 'yan. At weakness ng anak ko si Akella. Umiiyak ang anak ko tumatawag sa akin at sinabing wala na sila ni Akella. At 'yon daw ang magagawa n'ya para protektahan si Kiella sa mga fans nila dahil sa mga sinasabi nila dito ay apektado ang anak ko. Uto uto anak ko 'e. Iniisip ata mahina si Akella."



Natawa kami ni Macey sa part na 'yon.



"Si Akella ang unang minahal ng anak ko at huling mamahalin. Kung ako lang may gusto baka kinasal ko na ang dalawang 'yan. Dahil sa mga contract na 'yan, sa manager, at desperadang love team? Akala tuloy ni Akella ay iniwan s'ya ng anak ko para doon. Pero alam n'yo ano pinakamahalaga sa anak ko? Si Akella at Kiella. Sila ang mahalaga sa anak ko at nangako s'ya sa aming lahat na aalagaan n'ya ang dalawa," tumulo ang luha pero agad kong pinunasan 'yon.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now