Kabanata 21

182 15 3
                                    



"Ano? Hindi ka ba sasagot?! Nasaan ang mama mo?!" pinunasan ko ang luha ko.



Pinipigilan kong humikbi sa harapan n'ya. Wala akong alam tungkol sa lupa, 'yon lang. Pero paano ko sisimulan ang lahat? Paano ko sasabihin na wala na sila mama at papa?



"W-Wala po si mama, p-pero kakausapin ko po s'ya," mahinang sabi ko at nagsinungaling na naman ako.



"Bakit hindi mo sabihin kung nasaan s'ya?! Nasa cebu ba?! Pupuntahan ko 'yon!" agad ako napailing dito.



Mabuti na lang magsinungaling ako at uunti untiin ko ang mga ibibigay ko. Ang utang ni mama para lang makabayad ako. Akala ko? Wala na kaming utang. Akala ko tapos na ang utang. Pero hindi ko aakalain an ito ang bubungad sa akin sa muling pagkikita namin.



"Nasaan?!" sigaw nito sa akin.



"Nasa ibang bansa po si mama. Nagta-trabaho po at kami lang po magkakapatid ang nandito," sagot ko sa kan'ya at napaawang ang labi n'ya. "Sasabihin ko po at babayaran po namin unti unti ang utang---"



"Hindi ko kailangan ng pera! Ang kailangan ko ay ang bahay ko!" sigaw nito sa akin.



"Hon..." napatingin ako sa dumating at nagulat pa si Tito nang makita ako.



Hiyang hiya akong nakatayo sa harapan nila. Hindi ko alam ano sasabihin ko dahil malaki ang kasalanan namin sa kanila.



"Wala po kasi akong alam tungkol sa lupa. A-Akala po kasi namin 'yung amin lang ang kukuhanin at wala po akong alam---"



"Sa tingin mo may pakialam pa ako sa rason na 'yan ha?!" agad akong umiling dito.



"Pasensya na po. Gagawin ko po lahat para maibalik lang po ang bahay n'yo," sabay yuko ko dito.



"Hon, babayaran na lang siguro nila. Iba na kasi nakatira doon baka mas mahirapan ang bata," napalunok ako dahil doon.



Wala akong mukhang ihaharap sa kanila kaya kailangan kong yumuko. Pinunasan ko ang luha ko at huminga nang malalim.



"Sige, sampong milyon. Kailan mo ibibigay?" napaangat ako ng ulo dahil sa narinig ko. "Saan ka kukuha? Anong gagawin mo?"



"W-Wala po kaming perang gan'yan---"



"Eh anong gagawin 'yon?! Baka utusan kayo ng mama mong mag tago! Sobrang traydor n'ya hayop s'ya! Anong karapatan n'yang ipang bayad ang bahay namin?" tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko at wala man akong magawa para ipag tanggol si mama.



"A-Ako na po bahala. U-uunti- untiin ko po. M-May pera naman po kami kaso maliit po. B-Baka pwede po 'yon," nanginginig na sabi ko.



"Hindi ba may bar exam ka? Baka wala kang pambayad?" hindi ko sinagot si Kiel dahil nakatingin lang ako kay Mrs. Natividad.



"May trabaho ka hindi ba? Board exam? Nakapasa ka? Pag nagsimula ka magtrabaho. Hindi naman kami kasing sama tulad ng mama mo..."



Hindi ako makatango. Hindi ako pumasa dahil hindi naman ako nag- aral. Hindi ako nag- aaral dahil kailangan ako ng mga kapatid ko. Hindi ako makasagot dahil doon pero iipunin ko ang pera para may pambayad sa kanila.



"Pasensya na po talaga. Wala po akong alam. K-Kakausapin ko na lang po si mama at papa---"



"Nasaan ang papa mo?" tanong nito sa akin.



"N-Nasa bahay po. M-May sakit po kasi s'ya kaya hindi na po s'ya nagta- trabaho," pag sisinungaling ko dahil wala naman na sila. Wala na sila.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now