Kabanata 5

120 6 0
                                    

Dahil nagsimula na ang acting workshop ni Kiel ay halos araw araw s'yang busy pero sa gabi naman ay pumupunta s'ya sa akin para magpahinga. Kahit pauwiin s'ya ni papa sa bahay nila ay nagpapanggap na lang 'to ng tulog.

Alam ko naman nakakapagod ang ginagawa n'ya. Naiintindihan ko naman. Pero nakakamiss talaga na halos nand'yan s'ya sa tabi mo. Tapos kakantahan ka para makatulog ka. Hindi pa namin alam kailan ang release ng album nila dahil kailangan pa daw s'ya isabak sa maraming bagay.



Natutuwa ako dahil unti unti naabot ang pangarap n'ya. May sumusunod sa kan'ya dito, may naghahatid din kaya alam ko naman safe s'ya. Pero minsan kasi? Halos madaling araw na umuwi dahil lang sa daming ginagawa. May mga kailangan s'yang gawin bukod sa Acting. Sinasabak ang kanyang boses sa ibang Genre ng kanta.



Marami na rin bawal sa kan'ya at marami na rin s'yang vitamins na iniinom. Tulad ng pag-inom ng tubig na malamig, mga matatamis na bagay na maaring makaapekto sa boses n'ya. Gusto n'ya sana pabasa sa akin ang kontrata n'ya pero tinanggihan ko s'ya.



"Hindi mo ba ako namimiss buong araw?"



"Namimiss syempre. Sanay kasi ako na lagi tayo magkasama pero ngayon? May trabaho ka na. Sisikat ka na at ako naman ay busy sa pamilya ko," totoong sabi ko.



These past few days kasi madalas na ang away ng dalawa. Madalas umiyak si mama. May trabaho naman na 'to pero hindi ko alam kung nahihirapan ba s'ya magta-trabaho o ano. Dahil madalas mugto mata n'ya. Nakikita ko rin ang pag bagsak ng kanilang mga katawan.



Minsan hindi na nila napipigilan ang sarili nila mag-away sa harapan namin. Kaya naman ilalabas ko ang dalawang kapatid ko at papakaytin sa kwarto.



"Ate, ano ba?!"



"Go, Keiran. Kakausapin ko silang dalawa---"



"May problema ba?" agad akong umiling dito.



Ayokong malaman nila ano problema. Mga bata pa sila masyado para malaman ang mga problema sa bahay. Ako? Ate ako, nasa wastong gulang pero hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Pero may magagawa ba ako? Panganay ako. Ako ang kailangan ng mga kapatid ko. Sa akin lang naman sila kakapit wala na sa iba.



"Sa tingin mo ba ginusto ko 'to ha?!"



"Nagpakasaya ka kaya ayan! Tayo naghihirap! Hindi ka naman ba naaway sa mga anak natin?" napalunok ako at lumapit kay papa.



"Pa, tama na. 'Yung puso mo po..."



"Hindi. Alam mo bang sinugod ako ng mga may utang sa kan'ya?! Sa trabaho ko! Paano kung matanggal ako? Saan tayo kukuha sa araw-araw ha?!"



"Nagtatrabaho na ako. Kaya mababayaran ko na 'yon?!"



"Kaya mo ibigay? Isang bigay? Walong milyon?" natahimik s'ya mama habang tumutulo ang luha n'ya.



"Pa, tama na," nanginginig na ang boses ko dahil sa mga sagutan nilang dalawa.



"Hindi, anak. Hindi alam ng mama mo na masasalo n'yo ang lahat ng 'to. Hindi n'ya alam ang ginagawa n'ya dahil sa bisyo n'ya."



Umalis si papa at lumapit ako kay mama. Muntik na 'to mabuwal dahil sa kakaiyak n'ya. Hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko at hindi magbabago na baon nga kami sa utang at ang bahay lang ang sapat na halaga na pwede namin ibigay para mabayaran na 'to nang tuluyan.



Pero hindi ko kaya dahil iisa lang ang titulo ng bahay na 'to at bahay nila Kiel. Madadamay sila Kiel at nakakahiya na. Hindi ko alam paanong sasabihin sa kanila ang problema namin. Nahihiya ako kasi alam na alam kong madadamay sila.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now