CHAPTER 46-Friend.

1.5K 53 34
                                    

Atasha's POV.

I woke up with a heavy feeling inside my chest. Bumabalik balik pa rin ang mga sinabi n'ya sa utak ko. Paano kung...paano kung bumalik ako kay Shevio? Ano nga bang mangyayari? Kaya ko nga ba...

"Tita Atasha, wake up!!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Shiro kaya napamulat ako ng mata. I saw her on top of me at nakangiting nakatingin sa'kin. Maaliwalas ang mukha nito habang nakatingin sa'kin.

"Mhm, good morning, baby Shiro." Mahinang saad ko na ikinangiti nito lalo. Ibang iba talaga s'ya sa ina n'ya na palaging seryoso.

"It's already 1 p.m, tita. It's not morning anymore. Let's go! Let's go! Don't you know that there's a lot of guys asking tita Shevio to come with them." Saad nito na ikina init ng ulo ko. Bakit ba ako naba-bad trip?! Edi sumama s'y-

"But then, tita Shevio kept on telling them no. And you know what Shiro did? I slap one of the guy, well, he got mad. But, mama came! She saved me. Come on, tita let's go!! Save tita Shio!" Tuwang tuwa na dagdag nito na ikinangiti ko na rin. Napakakwela talaga n'ya.

Tumayo na lamang ako dahil natatalo ako sa kakulitan ng batang 'to. Napakakulit. I started looking for a swimsuit at napagpasyahan kong magsuot na lang muna ng black one-piece na may slit sa magkabilang tagiliran. I don't want to show my skin.

Matapos kong magbihis ay nagpatong ako ng oversized na t-shirt para alisin na lamang mamaya.

"Tita, you look good without the t-shirt! I know tita Shio will drool if she saw you!!" Parang kiti kiti na saad ng batang ito na ikinailing iling ko. Saan ba n'ya nakukuha ang mga katagang 'yon?

"Tara na, baka hinahanap ka na ng mommy mo." I said na ikinatuwa nito at nagpabuhat pa sa'kin. She's not heavy dahil petite naman ang katawan nito.

While we're walking, I asked her a lot of questions na malugod naman n'yang sinasagot. She's already six years old and I confirmed that she's not Shevio's child. She said that she don't know who her father is, hindi rin naman daw n'ya kailangan ng ama because her mother is enough already.

Ng makarating kami sa tabing dagat ay nakita ko na nagkakatuwaan ang ibang trabahante at naglalaro ng volleyball. Karamihan din ng naririto ay mga tourist, kadamihan sa kanila ay taga ibang bansa. They kept on looking at me and Shiro hanggang sa tuluyan na naming nakita si Shevio and...Taliya.

They're talking. I don't know why my blood boils ng makita na nagtatawanan silang dalawa. I know Taliya is a very serious person, pero, pag dating kay Shevio ay ngiting ngiti 'to.

"Baba mo na po ako. I will ask mama to accompany me sa comfort room para masolo mo si tita." Hagikhik ng bata na ito na ikinailing ko. Nahihibang na ata 'tong anak ni Taliya.

I saw Shiro running towards her mom and Shevio at kita ko rin ang pagtayo ni Taliya para samahan ang anak n'ya. Shiro look at me and wink bago higitin ang nanay n'ya.

This is my chance na lapitan si Shevio, pero anak ng teteng, may nauna sa'kin. Nag aabang ba talaga sila?!

"Hey, you alone?"

Tanong ng kano kay Shevio habang papalapit ako. Hindi ata niya napapansin ang presensya ko dahil tumitig s'ya sa foreigner na nagtanong sa kan'ya.

"No. Actually I am lesbian, so, back off."

Nagulat naman ako sa pagkaprangka nito at napangisi ng makita na tumayo na ang lalaki at pumunta sa mga kaibigan n'ya na ngayon ay nagkakantyawan na.

Bago pa man may makalapit muli kay Shevio ay dali dali na akong tumabi dito habang nakapikit s'ya.

"Will you stop pestering me? I am les--Oh, hi Fritz." Nagulat na saad n'ya ng makita na ako na ang nasa tabi n'ya at hindi sa kung sino.

Unti unting lumawak ang ngiti nito at pinagkatitigan ako habang suot suot ko pa rin ang oversize na damit.

Admiring Her : The Heiress (Unedited.)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora