CHAPTER 5-Mine.

2.6K 122 18
                                    

Atasha's POV.

Kibit balikat akong umuwi sa apartment na tinutuluyan ko nang marahas na palayasin ako ng CEO ng kompanya na itinuro sa'kin ni Yuki.

Tears start forming in my eyes kapag naaalala ko ang nangyari kanina, nakailang pasensya ako rito. Lumuhod pa ako sa harapan n'ya para lang patawarin ako't tanggapin, ngunit, hindi s'ya pumayag.

Ipinatapon n'ya ako sa mga guards n'ya papalabas ng company n'ya. Alam kong kasalanan ko 'yon, hindi ko sinasadya, pero, alam kong kailangan kong pagdusahan ang pagkakamali ko.

*KRING KRING KRING

Tunog ng aking telepono. Napatingin ako dito at dali daling pinunasan ang luha sa'king mga mata. Ayaw kong umiiyak, hahanap na lang siguro ako ng bagong trabaho. May panibagong set pa naman ako ng resume at requirements sa maletang dala ko.

Sinagot ko agad ang tawag na 'yon dahil nakita ko na si Yuki ang tumatawag sa'kin, inihanda ko na ang sarili ko sa pandidiri at pagmumura nito. Pagkasagot na pagkasagot ko rito'y hindi muna ako umimik. Gusto kong s'ya ang maunang magsalita, nakakabastos naman sa part nito kung magsasalita ako bigla.

"Hi, I heard what my Cousin did to you. Are you okay? I'm sorry about what she did to you, Atasha. I will talk to her again to accept you."

She said gamit ang naaawang tinig nito. Ayoko sa lahat ay kinakaawaan ako, I felt so helpless and at the same time, so dumb.

"No, Yuki. I-It's fine, it's my fault."

I said. Halos pumiyok ako dahil sa pagpipigil ng luha sa'king mata't alam kong rinig n'ya 'yon. Natahimik ang kabilang linya at rinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"I don't know what happened, but, I will help you. And O My Gosh, you called me Yuki for the first time. That's so cute, I'll call you again later kapag na-convince ko na s'ya."

She said at biglang pinatay ang tawag, hindi na nito hinintay ang pagtutol ko na ikinailing iling ko. Bakit ba ako umaasa sa iba? Kaya ko ang sarili ko. I have to be independent. Susubukan ko uling maghanap ng trabaho kahit sa mga coffee shop or stall muna. Sayang din ang bihis ko ngayon.

"Whoh, Fritz. Kaya mo 'yan, Fritz!" I said, pag aalo sa sarili ko.

Natawa ako ng maalala ko ang pagtawag ko ng Yuki kay Tasha. Masyado kasing magkaparehas ang pangalan namin so I wanted to call her Yuki.

I started walking hanggang makauwi, pagod man ang tuhod ko, it's fine. Nais ko rin namang makatipid.

"Oh, iha? Ang aga mo atang umuwi? Ano, natanggap ka ba? Okay ka lang ba, iha? Parang kakagaling mo lamang sa iyak." Nagulat ako ng makita ko si nanay Latisha.

Hindi ko alam, ngunit, nang tanungin n'ya ako kung ayos lang ba ako'y nagsiunahang tumulo ang luha sa'king mga mata.

"I-Iha?"

Nagulat 'to at dali daling lumapit sa'kin upang aluin ako.

"A-Ayos lang po. N-Nay, hindi ako natanggap. Wahhhh."

Saad ko na parang batang nagsusumbong sa kan'yang ina, lalong lumakas ang iyak ko kaya natawa ito.

"Ayos lang 'yan, Iha. Huwag mong i-pressure ang sarili mo. I know that you can do it, kaya mo. Kaya mo pa. Alalahanin mo kung para kanino ka lumalaban, mas tatagan mo pa sarili mo..." She whispered that made me calm a bit.

Admiring Her : The Heiress (Unedited.)Where stories live. Discover now