CHAPTER 45-Conversation with a Hashton.

1.6K 52 14
                                    

Atasha's POV.

I woke up dahil nakaramdam ako ng pagsakit ng pantog ko. I look around and saw them sleeping. Napatingin ako sa labas ng bintana and saw that it's almost evening. Palubog na rin ang araw, bakit parang antagal naman naming makarating don?

I look at Shevio's who's still sleeping on my lap. I can't feel my legs! Pero, hindi ko na 'to ginising because she look like she haven't fallen asleep. Ilang araw na bang nagpupuyat ang babaeng 'to?

"Kuya, matagal pa ba?" I asked dahil ihing ihi na ako! Kapag hindi ko napigil 'to, iihian ko 'tong van na 'to.

"Malapit na po. Actually, nagbabayad lamang po si Ma'am Taliya ng entrance fee and after that, we can go through na po." He politely respond na ikinatango tango ko naman. Mabuti naman. Hindi ko na rin napansin na wala pala dito si Taliya.

Maya-maya ay unti unti ng umandar ang sasakyan na sinasakyan namin at kita ko naman na unti-unti ng nagigising ang mga kasamahan namin. I forgot that I want to pee ng makita ko kung sino ang babaeng kasama nila Ate Yurika. It's Harly, she looks different. Nag-mature na ang mukha nito, well, It's been five years since I last saw her kaya baka 17 or 18 na 'to ngayon.

She look at me at parang kinikilala pa ako, I saw how she got shocked ng makilala na ako ng tuluyan at ngumiti habang kumakaway na ikinangiti ko rin.

We stopped in the main entrance dahil hindi kasya papasok ang van and bus. Kita ko rin sa labas na nag iinat inat ang iba na parang kakagising pa lamang at patakbong pumasok sa entrance. Dito pa lamang sa van ay kita na agad ang laki ng resort na 'to. I think this is popular since maraming nakaparadang kotse at van.

I look at Shevio ng makalabas na pati ang mga kasama namin dito sa van. I saw her eyelids twitching na ikinakunot ng noo ko. Gaano na ba katagal gising ang babaeng 'to? I slightly slap her face na ikinamulat n'ya bigla. I saw her smiling ng malaman n'ya na nahuli s'ya sa akto.

"Gaano katagal ka ng gising?! Kita mong tayo na lamang ang nandito and my legs felt numb!" I shouted na ikinatawa nito bago lumabas sa van. Talagang iniwan n'ya ako, huh?!

Lumabas na rin ako at nakita kong nagiintay si Shevio sa'kin sa entrance na ikinairap ko. Tss, baliw.

"Gosh, how unlucky na hindi ikaw ang kasama ko sa room." She said habang nakasimangot.

"Why? Sino bang kasama ko at kasama mo?" I asked na ikinairap nito. Wala na ang mga bag namin sa bus kaya for sure ay nadala na 'to sa mga room na pagi-stay-an namin.

"I'll be with Tasha and you will be with Shiro and Taliya. I don't even know na nakapag-decide na sila. Argh! I want to be with you!" She shouted at sinasabunutan pa ang sarili dahil sa frustration. Napatawa na lamang ako na ikinasama ng tingin n'ya.

Dali dali ako nitong iniwan, but, she came back at hinigit ang kamay ko. Marami rami pang tao dahil hindi pa naman madaling araw. They are looking at us, specially sa babaeng maganda na 'to.

"There! D'yan ang room n'yo. Tss, humanda talaga sa'kin si Taliya." She angrily said at iniwan ako. I rolled my eyes at pumasok na lamang sa loob.

Anong pakialam ko sa kanila? Kahit na mag usap pa silang dalawa, wala akong pakialam.

Pagkapasok ko'y bumungad sa'kin ang batang babae na kasama ni Taliya kanina. I think she's Shiro. I saw how her face lit up at padambang tumakbo sa'kin para yakapin ako na ikinagulat ko naman.

Hindi naman n'ya ako kilala, 'di ba? I saw how she froze ng maramdaman n'yang hindi ako ang nanay n'ya.

Tss, pati ba naman dito, pagkakamalan ako na si Taliya? Dali dali naman itong bumaba at nahihiyang tumingin sa'kin that made me chuckle. She's cute.

"Hi, I am tita Atasha. And you are?" Malambing na pagpapakilala ko rito kahit na alam ko naman ang pangalan n'ya. I saw how hesitant she is at first ngunit, tinanggap n'ya rin naman agad ang kamay ko at ngumiti.

"I-I am...Shantal Cleiro Hashton po. S-Shiro for short po." Mahinang saad nito at ramdam ko pa rin ang hiya nito na ikinangiti ko and shake her tiny hands. She's adorable!

"I know you po." She added na ikinabigla ko, but eventually, I smiled at her.

"How? Is it because I am your tita Shevio's business partner?" I asked na ikinailing iling n'ya at ngumiti sa'kin bago ako hilahin para maupo sa upuan.

"You are tita Shio's fiancé po, right? You're the one na ipinagpalit n'ya kay mama?" She asked na ikinabigla ko at pinanlaki ng mata ko. What is she saying?!

"No, honey. Maybe you're mistaken. I am not her f-fiancé." I whispered na ikinapagtaka nito. Napakamot pa s'ya sa batok n'ya at pinagkatitigan ako bago may kinuha sa bulsa n'ya.

"No. Look at this po, you're her fiancé!" She said at inabot ang picture kung nasaan ang picture ko at picture ni Shevio, it's like a wedding invitation. I got shocked, paano napapunta sa kan'ya 'to?!

"H-How did you get th-"

"Shiro--oh, hi. Hi, Atasha." Naputol ang tanong ko ng biglang pumasok si Taliya habang nakatingin sa'min ng seryoso. Kung anong sineryoso n'ya ay ganon namang ikinakulit ng anak n'ya.

"Mama!" Sigaw ni Shiro at patakbong pumunta sa kan'yang ina. Binuhat naman agad 'to ng kan'yang ina.

"What did the two of you talked about? You didn't told her something bad, right?" Seryosong tanong n'ya na ikinailing naman ng bata.

Just by looking at her, she looks like a matured me.

"Nothing, mama! I just said that she's tita Shio's fiancé. Diba, mama?" Makulit na tanong nito sa kan'yang ina na ikinakunot ng noo nito bago tumingin sa'kin.

"No, Shiro. Go to your tita Parcia now, she's looking for you." Saad naman nito sa anak n'ya at ibinaba ito. Dali dali namang tumakbo ang bata na para bang tuwang tuwa ng marinig ang pangalan ni Parcia.

When she's already outside ay umupo sa gilid ko si Taliya at nabalot kami ng katahimikan.

"I am sorry about my daughter's mouth. Kung ano ano na lang sinasabi ng batang 'yon." She said na ikinatango ko. Bakit nga ba ako umasa? Bata nga naman ang nagsabi sa'kin non.

"Mhm.." I whispered na ikinatingin n'ya sa'kin.

"Did you...forgive Shevio already?" She hesitantly asked na ikinatango ko. I forgived her already. Matagal na siguro na napatawad ko s'ya. After all, I still love her.

"Yes. To be honest, we're friends now." I said na ikinatigil nito at tiningnan ako na para bang nahihibang na ako.

"Are you kidding me?! Friends? An ex lovers, friends?!" Napaparanoid na tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Bakit ba ganito s'ya magreact.

"Yes? Why? I don't think there's something wrong with being friends with you e-"

"Oh, no! It is a big no! You still love her, don't you?" She caught me off guard kaya napatigil ako at tiningnan s'ya nang seryoso. Ano bang pakialam n'ya?

"What if I told you that I don't love her anymore? What are you going to do?" Nanghahamong tanong ko rito na ikinainis n'ya. I smiled out of victory, pero, napawi rin agad 'yon sa sunod na sinabi n'ya.

"Then, give her back to me." She respond at padabog na tumayo para lumabas. Malakas n'yang isinarado ang pintuan at iniwan akong nakanganga.

Buong gabi kong inisip ang mga katagang binitawan n'ya. Bakit ba hindi ako makatulog?! Ano namang pakialam ko kung magbalikan sila, a-ano naman?!

I can't sleep at bumabalik ang mga sinabi n'ya sa utak ko. 'Then, give her back to me.' Hindi ko naman s'ya inagaw sa kan'ya! May pagkakataon na nga silang magpakasal eh, kaso sinayang n'ya! She has a child, so she cheated behind Shevio's back!

Just by that thought ay kumukulo na agad ang dugo ko. What if they end up marrying each other...

...makakaya ko ba?

Admiring Her : The Heiress (Unedited.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora