CHAPTER 1-Tasha &Toshi.

6.3K 147 23
                                    

Atasha's POV.

"Ate, nagugutom na po ako."

My brother told me at yumupyop sa'kin upang maglambing.

"Bakit hindi pa kumakain ang bunso ko? Diba sinabi na ni ate sa'yo na humingi ka lang kay lola ng pambili?"

I said na ikinasimangot naman nito, kahit kailan talaga, hindi na sila nagkasundo ni lola.

"Eh ang sabi ni lola, ubos na raw ang perang ibinigay mo sa kan'ya. Pinang bingo n'ya raw. Kita mo 'yon ate? Pinaghirapan mo tapos ipambi-bingo n'ya lang."

Gigil na sagot ni Aris sa'kin. Natawa ako ng pagak dahil sa expression ng mukha nito.

"Ah, ganon ba? Hayaan mo na muna. Kakausapin ko si lola. Oh ito, bumili ka ng makakain mo. Mamaya maya rin ay aalis na ako upang maghanap ng trabaho sa maynila."

Saad ko sa'king kapatid at nag abot ng limampung piso. Ayon na lamang kasi ang natitira sa'kin bukod sa pamasahe ko pa-maynila, naibigay ko na halos lahat ang pera na meron ako kay lola.

Kita ko ang lungkot sa mukha ng aking kapatid nang sabihin ko ang mga katagang 'yon. Umalis ito ng padabog at malakas na isinarado ang pintuan, galit ito. Alam kong hindi s'ya sanay na hindi kami magkakasama, ngunit, para rin ito sa'ming tatlo ni na lola.

Naisin ko mang dito na lamang sa probinsya at kasama sila, hindi sasapat ang kikitain ko kada sahod para sa pang araw-araw na pangangailangan namin.

Kaming tatlo na lamang ni na lola ang magkakasama sa buhay matapos masawi ang aking ina sa isang car accident. Nabunggo s'ya ng kung sino, ngunit, hindi ko naman kilala kung sino 'yon.

Alam kong kilala s'ya ng lola dahil s'ya ang kumausap dito sa mga magulang nito, pero, 'yun na 'yon. Hindi man lang n'ya sinabi sa'min kung sino ang nakapatay sa nag iisa naming magulang.

I'm not mad at her, instead, I'm thankful. My mother is suffering sa sakit n'ya, nagkaroon kasi ito ng bukol sa kan'yang matres matapos n'yang maipangak si Aris. Habang ang aking ama na magaling naman ay tinakasan ang aking ina.

Ako ay isang bunga sa pagkakamali, sabi ng aking ina. They're drunk that time. Hanggang sa naging ilang taon silang magnobyo ng aking ama at sa ikaanim na taon ko'y nagkaroon ako ng kapatid, si Aris. Ang aming bunso. Hindi ko nakikita ang aking ama simula ng isilang ako dahil na rin sa may pamilya na raw ito na iba, sabi ng aking ina.

"Oh, ano na namang iniisip mo d'yan, Asha?"

Rinig ko ang mahinang saad ng aking lola. Napatingin ako dito at bahagyang ngumiti. Masama pa rin ang loob ko, kahit na sinabi ko kay Aris na ayos lamang na ginastos ni lola ang perang ibinigay ko.

"Wala naman po, iniisip ko lang kung sino ang nakabunggo kay mam-Ouch!"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang binatukan ako ng lola ko nang pagkakalakas lakas.

"Diba sinabi ko naman na sa'yo na huwag mo ng hanapin? Tsaka isa pa, nananahimik na ang nanay mo."

Pangaral nito ay umiling iling.

I just want to know who that person is.

"Oh, ito."

Nagulat ako ng mag abot sa'kin si lola ng limang libo. Napatingin ako dito at magtatanong na sana ng sumabat s'ya.

Kung hindi ko lang talaga lola 'to, hays.

"Huwag ng madaming tanong. Nadelehensya ko 'yan. Maghanap ka ng apartment sa ngayon sa maynila kapag nakarating ka roon. Mahal pa naman mamuhay sa maynila, apo."

Admiring Her : The Heiress (Unedited.)Where stories live. Discover now