CHAPTER 18-Jealous.

1.9K 66 3
                                    

Atasha's POV.

"Ugh, it's so masikip here." Pagmamaktol ni Shevio dahil sumama ito sa'kin papalengke. Sino ba kasing nagpilit na sumama s'ya? S'ya naman kasi 'tong may gusto. Baka raw iba ang ipunta ko rito kaya sasama s'ya.

Natawa na lamang ako at umiling iling habang nakatingin kay Shevio. Mababakas ang pagkairita sa kan'yang magandang mukha na ikinangisi ko lalo. Ayan tuloy, anak mayaman tapos sasama sama pa.

Naputol naman ang aking pagiisip ng biglang may sumigaw sa aking likuran.

"Tafi!!" Rinig kong sigaw ng kaisa isang babae na tumatawag sa'kin non. She made that nickname for me, Ta sa Atasha and Fi sa Fritz. Natatawa ako sa ka-corny-han nito magbigay ng nickname.

Napatingin naman ako sa gawi n'ya at nakita ang papasalubong na kababata ko, si Trixie. Dali dali itong tumakbo sa gawi ko't bago pa man s'ya makalapit sa'kin ay humarang na sa harapan ko si Hash na ikinatigil ni Trixie sa pagtakbo at napasimangot na tumingin kay Shevio na ngayon ay halos sakalin na s'ya sa sama nitong tumingin.

"And who are you?"

"Sino ka namang asungot ka?"

Sabay na saad nila na ikinasama ng tingin lalo ni Shevio. Natatawa ako sa reaksyon n'ya ng tawagin s'yang asungot ni Trixie. I saw how fast she turns red at iritang irita na tumingin sa'kin.

"What is asungot?!" May bahid ng inis sa boses ni Hash ng makaharap ito sa'kin.

Napakamot na lamang ako sa batok ko dahil alam kong magagalit 'to kapag sinabi ko sa kan'ya kung anong ibig sabihin non.

Bago pa man ako makapagsalita ay biglang tinabig ni Trixie si Hash para mapaalis s'ya sa aking harapan at mayakap ako nito. Gayon na lamang ang gulat ko ng muntik ng matumba si Hash sa pagkakatulak n'ya. Magagalit na sana ako ng bigla n'ya akong yakapin na ikinasinghap ko.

Napatingin ako kay Hash na ngayon ay parang papatay na talaga sa tingin n'ya. Akmang ilalayo ko na sana si Trixie ng bigla itong bumulong na ikinairap ko. Anak ng teteng, kaya naman pala.

"Huwag mo muna alisin. Masyado namang masungit 'yang gf mo, sarap tuloy asarin." Hagikhik na bulong nito na ikinailing iling ko. Aalisin na sana kaso naunahan ako ni Hash na ikinasinghap ko na naman.

Gulat na gulat ako sa nangyari, ganon na rin si Trixie. Kita ko na halos na trauma ito at tumingin kay Shevio na ngayon ay nakangisi. Paano ba naman kasi, sinabunutan n'ya ito para maalis ang pagkakayakap sa'kin.

"Oh, sorry. I thought your hair is wig kasi, I'm just trying to touch your hair if it's true." Nakakalokong asar ni Shevio at bumaling sa'kin para irapan ako.

Ni hindi ako nakakilos agad at umalis ito sa harapan ko para maglakad muli. I look at Trixie na ngayo'y nakangiti na rin. Nahihibang na ata 'to? Nasabunutan na nga at lahat, nakangiti pa rin.

"Grabe, lakas naman ng shota mo. Sabihin mo sa'kin kapag hiniwalayan ka na, okay? Ako naman papalit sa'yo. I'll let her pull my hai—"

"Tse! Layas na nga. Bahala ka d'yan, akala ko pa naman nasaktan ka!" Madiing saad ko na ikinahalakhak nito kaya iniwan ko na lang s'ya.

Nababaliw na ata 'yon eh.

"Tell me lang, Tafi! Pwede akong humalili!" Natatawang sigaw nito habang halos patakbo kong hinahabol si Shevio. Bakit ba kasi ambilis bilis n'ya? Pinagsawalang bahala ko na lamang ang sinabi ni Trixie dahil pinagtitinginan na rin kami.

Ng makahabol ako rito'y hinawakan ko ang wrist n'ya para dali daling iharap sa'kin. I saw how angry she is at pinipilit na alisin ang pagkakahawak ko sa kan'ya.

"S-Stop.." I said dahil talagang inaalis n'ya 'yon. Tumigil naman ito at inirapan ako ng bahagya. Ang sungit talaga ng isang ito, may regla ba s'ya?

"Why ba nag-stop ka makipag-flirt sa babaeng 'yon? How dare you let her hug you infront of me, Monterial? Hindi mo pa talaga s'ya tinulak pagkayakap sa'yo. You really waited for my action first bago s'ya maalis sa katawan mo 'no?" Halata ang pagkairita sa boses nito na ikinaseryoso ko. Baka kasi kapag tumawa pa ako'y lalo itong magalit.

"I hate you! I hate you, Monterial. Bahala ka nga d'yan, I'll buy foods then uuwi na ako—"

"Sa inyo?" Seryosong tanong ko at pagputol sa sasabihin nito na lalo n'yang ikinasama ng tingin. Napatawa naman ako ng pagak sa'king isipan ng marealize ang sinabi ko.

"Sa inyo! Do you think na makakauwi ako sa'min ng mag isa?!" Uh-oh. Lalo ata itong nainis sa sinabi ko. Aalisin na sana nito ang pagkakahawak ko ng hilahin ko s'ya para yakapin.

"Shush, I'm sorry. It's my fault, please don't be mad at me anymore. That is Trixie, my friend. Wala kang dapat ikaselos." Saad ko habang inaalo ito.

I heard her sob kaya nagulat ako, don't tell me na umiiyak ito dahil sa selos?

"H-Hey...I'm sorry, I-I didn't mean t-to make you cry." I uttered na lalo nitong ikinaiyak. Pinagtitinginan na kami pero nasa babaeng nasa harapan ko pa rin ang titig ko.

I wipe her tears at hinalikan ito sa noo n'ya na ikinakalma naman n'ya. Kita ko ang paghikbi nito na parang iiyak na naman kaya't hinigpitan ko ang yakap dito.

"I-I'm n-not jealous!" Pagdedepensa n'ya sa kan'yang sarili na halos ikahagalpak ng tawa ko. Sinong niloloko n'ya? I know she's jealous.

"Shh, I'm sorry. I'll never let anyone hug me like that again, well, except sa pamilya ko at sa'yo. I'm sorry, please, Amor, don't cry." I reassure her. Ramdam ko naman ang pagkalma ng pag hinga nito at unti unting kumalas sa yakap ko.

She's now wiping her tears at biglang inirapan ako. Ang taray talaga kahit kailan. Parang kanina lang, hindi s'ya umiyak sa selos eh.

I chuckle ng makita ang pamumula ng pisngi n'ya.

"Why are you giggling there? Tss, let's go. We should hurry, baka magutom na si na lola." Saad n'ya na ikinatango tango ko. Halatang halata sa accent nito na nahihirapan s'yang magtagalog, pero, sinusubukan n'ya.

"Let's go, Amor Ko na mabilis magselos." Pang aasar ko na ikinatingin nito sa'kin ng masama. Pinigilan ko namang tumawa dahil naiinis na naman 'to.

"One, Monterial." Bilang n'ya na ikinaseryoso ko. Ngayon ko lamang narinig ang ganong boses n'ya, hindi ko na gugustuhing marinig pa uli 'yon.

"I-I'm just joking, l-let's go. Baka nagugutom ka na." Pagi-iba ko sa topic na ikinatango tango n'ya.

At dahil isa akong Understanding, magpapa-under ako sa kan'ya.

We bought a lot of foods kahit na ang sabi lamang ni lola ay pang pansit lang. Ayaw kasi n'yang tumigil kapag may nakikita s'yang bago sa paningin n'ya, eh kinukuha n'ya na lang bigla. Hindi rin s'ya natingin sa presyo kundi basta kuha lang nang kuha. Halos malula ako sa dami ng pinamili namin.

I look at her who's now busy on her phone. Naghihintay kasi kami ng tricycle dahil wala atang pila ngayon. Kunot na kunot ang noo nito at bumubuntong hininga pa. She look at me, worriedly. Why?

"Why? What happened? May nangyari ba sa kompanya? Kailangan na ba nating umuwi?" Sunod sunod na tanong ko na ikinailing iling n'ya at nginitian na lamang ako. Hindi na ako nagtanong pa dahil kung ayaw n'yang sabihin ay hindi ko s'ya pipilitin.

I'm still worried sa ipinakita n'yang reaksyon kanina, pero, nanahimik na lamang ako. I can feel my heart beating faster and faster as if kinakabahan ako sa mga susunod na maaaring mangyari.

Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at nginitian s'ya.

"Let's go? After your brother's birthday. We will go to a beach."

—————————————————————————————————————————————————————————

Selosang iyakin nga naman, tsk tsk.

Admiring Her : The Heiress (Unedited.)Where stories live. Discover now