C&C 38

8.3K 128 8
                                    

KELLY’S POV

ANG TANGA KO! Bat ko sinabi un??!! Ako na nga tong niligtas ako pa tong galit?!!!

Nakokonsensya ako sa ginagawa ko kay Eli, sa mga sinabi ko. Hindi ko sya ginamit. Mahal na mahal ko sya. Sobra. Naunahan lang ako ng pagkapraning ko kaya ginamit ko si Kris. Pero di ko akalain na mauuwi lahat sa ganito.T____T

“Sis ok ka na ba?? Wala ba talagang nangyari??” tanong ni ate Jessie

“Wala ate. Bago pa magawa ni Kris un dumating na si Eli.” Sabi ko

“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at sinagot mo ulit un??!!” tanong ni Ate

“Sorry ate. Naging tanga ako sa desisyon ko.” Sabi ko

“Tama na. Ang mabuti nagawa kang maligtas ni Eli at ok ka.” Sabi ni Ate.

Oo nga. Naligtas nya ko pero nawala na sya sa akin. WALA NA…..

.

.

.

.

Kinabukasan…

Gusto kong makausap si Eli. Gusto kong magpaliwanag. Kaso di ko pa sya nakikita. Di pa sya pumapasok. Papasok nga kaya sya??

“Best sorry di kita naprotektahan a??” sabi ni Stacey tas umiiyak sya

“Ano ka ba? Ok lang. Hindi mo naman ginusto un e.” sabi ko

Maya maya nakita ko si Yanny

“Yanny! Si Eli??” tanong ko

“ha?? Wala pa ba sya? Di ko din alam e. Di na kami nagkakasabay nun.” Sabi ni Yanny

Unti unti akong nawawalan ng lakas ng loob para makausap sya..-_____-

3rd subject na siguro un ng nakita ko si Eli sa may pinto. Nabuhayan ako.. Pero biglang nawala ung saya ko dahil umalis din sya agad. Tumingin sya sa pwesto ko pero di nya ko nginitian. May hawak hawak syang brown envelope. Di ko alam kung para san un. Basta may pinapirma sya sa prof namin.

Kinakabahan ako sa pinapirma nya kay ma’am. Ano un?? Papalipat na sya ng section?? Wag naman ganun! Malapit ng matapos ung semester e. Bat ngayon pa?? Ganun na ba sya kagalit sa akin??

.

.

.

.

Ilang araw na ang nakakalipas pero di pa din pumapasok si Eli sa klase namin. Malapit na ang finals, anong plano nya??

“Yanny bat di na sya pumapasok??” tanong ko

“di ko alam e. Tuwing pumupunta naman ako sa kanila wala sya.” Sabi ni Yanny

“After nung pinasundo nya sa akin si Stacey never na ulit kaming nagkausap.” Sabi pa ni Yanny

Hindi lang sya sa akin lumalayo?? Pati kela Yanny?? Pero bakit??

Sinusubukan kong maghintay sa labas ng dance studio baka kasi nagttraining sya. Pero wala e. Hindi na din daw sya umaattend dahil may inaasikaso sya.

Ang lakas at ang kapal lang ng mukha pag pumunta ako sa kanila e halata naman na wala na syang balak na makipagusap sakin.

Eli… Pwede ba tayong mag-usap??

Bahala na. Tinext ko na sya. Lakas loob na lang kumbaga. Bahala na si Batman.

1 message received

Coffee and CakeWhere stories live. Discover now