C&C 16

11.5K 141 1
                                    

ELI’S POV

Naamin ko na kay Kelly. Shit ka Eli! Bat mo sinabi?? Di uso magpigil chong??? AISH!!!

Ano na kayang iniisip ni Kelly ngayon??? Baka lumayo na sya… wag naman sana..

Pero sa reply naman nya, mukhang ok naman, Mukhang di naman nya minasama. Ganito na lang Eli, wag mo na lang gawing kumplikado. Ung tipong walang nangyari. Ung di ka umamin na gusto mo sya. Di mo naman sinabing mahal mo sya e. Gusto lang naman e. Chill ka lang..

HAY! Baliw na ata ako.. Pati sarili ko kinakausap ko. AISH!

“UI! Anong nangyari sayo?? Bangag ka ba?” Sabi ni Yanny. Tignan mo to.

“BESPREN! AISH!” sabi ko sabay gulo ng buhok ko..

“HUY! Ano ba un?? Umamin ka nga.. Kelan ka pa natutong magdrugs???” sabi ni Yanny, at lumingon naman ako sa kanya at tinignan sya ng masama.

“Hindi ako nagd’drugs! Ano ba… Bespren! Naamin ko sa kanya..” sabi ko.

“Ang alin?? Kanino???” tanong ni Yanny

“Kay Kelly. Na gusto ko sya.. Kahapon..” sabi ko.

“O?? ANong sabi nya? Nagalit ba sya?? Ano??” daming tanong nito.

“Hindi sya nagalit at wala din syang sinabi.” Sabi ko.

“E??? Gulo naman nun.” Sabi nya.

“I know. Pero niyakap ko kasi sya nung sinabi ko un, tas sinabi ko din na wala akong ibang hiling, di ako humihingi ng kapalit. Hayaan nya lang ako.” Sabi ko.

“Tapos??” tanong ni Yanny

“Ayun, niyakap nya ko pabalik.” Sabi ko

“O e un naman pala e. Edi ok lang sa kanya..” sabi ni Yanny

“Tingin mo ok lang?” tanong ko

“Kakasabi ko lang diba?!? Paulit ulit?? Alam mo kasi, kung di ok sa kanya un, pagkakasabi mo pa lang sa kanya tinanggal na nya agad ung pagkakayakap mo sa kanya. Pero hindi, nagresponse sya sa yakap mo.” Sabi ni Yanny.

“Tingin ko nga gusto ka din nya e.” sabi ni pa ni Yanny.

“Pano???” tanong ko naman na sobrang nagtataka..

Sasagutin dapat ni Yanny kaso biglang dumating si Kelly kasabay ng teacher..

“Ok class, let’s start the discussion…..” sabi ng teacher. Boring na naman. Fuck!

KELLY’S POV

Hanggang ngayon gulat pa din ako sa sinabi ni Eli. Kelan nya pa naramdamang gusto nya ko? Gusto kong itanong kaso nahihiya ako. Nakita pa nga ni kuya Travis ung pangyayari na un e. At abnormal sya. Inintriga nya ko agad pagkapasok na pagkapasok ko ng gate..

“So.. Kayo na?” yan ang salubong ni Kuya sa akin. Tinignan ko sya.. At ang loko parang nahawa kay Eli. Makangiti wagas.

“HINDI! Tigilan mo ko kuya.” Sabi ko

“Hahaha! Aysus.. Ang bunso namin dalaga na. May boyfriend na.” sabi nya tas dinudutdut nya ung tagiliran ko. Kainis.

“HEH! Matagal na kong nagkakaboyfriend!” sabi ko naman.

“AT SINO?? Ung mga playboy sa school nyo?? Hahaha! Ayan. Palibhasa looks ang tinitignan.” Sabi nya. Aray naman ung sinabi ni Kuya.

Napakamot na lang ako sa ulo sa sobrang irita.

“AISH! KUYA! PAti ba naman ikaw??! Una si Stacey! Ngayon ikaw??! Wag ka ng dumagdag sa pagsasabi o pagtatanong kung anong meron kami ni Eli.” Sabi ko. At syempre natatawa lang si kuya sa akin. Gustong gusto nitong iniinis ako e.

Coffee and CakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora