C&C 33

8.8K 122 2
                                    

KELLY’S POV

“Bat ka ba umiiyak?? Nag-aalala na sila mama sayo. Ano ba talagang nangyari? Nanggugulo na naman ba ung Kris??” ang daming tanong ni Ate. Pano simula nung nakita ko un at marinig un, di na ko tumigil sa kaka-iyak.

“wala ate. Iwan mo na lang ako.” Sabi ko

“Kelly, hindi kita iiwan. Ate mo ko. Kung anong nangyayari sayo andito ako na handing makinig sa kung anong problema mo.” Sabi ni Ate

“Ate…” sabi ko sabay yakap sa kanya tas umiiyak ng hagulgol na.

“Si Eli…” sabi ko

“HA??? SI ELI?? SYA NAGPA-IYAK SAYO????!!!” laking gulat ni Ate nung tinanong nya ko

“Ang sakit sakit ate! Akala ko iba si Eli e. Ngayon pa!! Kung kelan ganito na ung nararamdaman ko para sa kanya!” sabi ko. Tuloy tuloy pa din ako sa pag-iyak

“Mahal mo na nga sya Sis.” Sabi ni ate

“Nako. Ang bunso namin… Nagmamahal na talaga.” Sabi pa nya.

Wala na kong ginawa o sinabi kay ate, umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa magsawa na naman ung mata ko.

Tagal ko ng di nakikita si Eli.. Pero sigurado naman ako na masaya un dahil Malaya na sila nung hipon na un.

PERO BAT GANITO????!!! NAMIMISS KO SI ELI!!???

AYaw kong maniwala kay Bridget. Oo tanga ako dahil umalis ako agad ng di ko pinagsasalita si Eli, pero ayaw kong makita ni Eli na umiiyak ako dahil sa kanya.

Di ko nais na magkalayo tayo
Nagseselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman, tunay bang ganyan
Bumalik ka naman

Anak naman ng! Ganito ko na ba kamiss si Eli??! Bat ba bigla bigla kong naririnig ung boses nya???!! WAG MO NA SYANG ISIPIN KELLY!

AYAN NAPAPALA MO KAKAISIP SA MGA TAONG DI NA DAPAT INIISIP! Guni guni mo lang ung boses ni Eli..

Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okey lang basta’t magkabati tayo
Minamahal kita, hihintayin kita
Sorry na, puede ba

ELI!!! UMALIS KA SA TENGA KO!! ALIS!!

Buhay ko’y nasa ‘yo
Matitiis mo ba ako, oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry, puede ba

 

Teka,… Hindi na to guni guni e..!! SHET!!

Lumabas ako ng kwarto ko.. Tas sumilip ako sa bintana. Silip lang..

ANDUN SI ELI!! NASA TAPAT SYA NG BAHAY!!

HINAHARANA NYA KO!! OMG!!

Agad-agad akong bumaba para lumabas ng bahay.. Tas bigla kong nakasalubong si Ate.. Ang nakaka-inis nakangiti sya.. Actually…

LAHAT SILA!!

“AYIEEE!!! Labasan mo na. Nagpunta sya ng 12 ng madaling araw para lang haranahin ka.” Sabi ni Ate

Coffee and CakeWhere stories live. Discover now