C&C 40

8.2K 113 7
                                    

KELLY’S POV

“Sis ok lang yan. Magkikita din kayo.” Sabi ni Ate sa akin.

“O?? KAMUSTA?? NAABUTAN NYO BA??” salubong na tanong sa akin ni Mama

“Ma. Hindi po. 10minutes ng nakaalis ung eroplanong sinakyan ni Eli e.” sabi ni Kuya

“Anak. Ok ka lang ba??” tanong ni Mama

“Opo ma. Sige po pasok na po muna ako sa kwarto.” Sabi ko

Nawalan ako ng gana. Akala ko pag naabutan ko sya magbabago lahat. Kaso hindi e. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Ang mahirap pa umalis sya ng hindi malinaw lahat.-____-

AISH!!! T___T

Eto ka na naman Kelly.. Umiiyak. Dahil kay Eli.. MALI! DAHIL SA GINAWA KO! DAHIL SA AKIN!

“Sis.” Sabi ni ate habang kumakatok. At syempre nagpunas muna ko ng luha ko

“Pasok.” Sabi ko

“Sis… Pwede mo kong iyakan.” Sabi ni ate tas niyakap nya ko

“Ate!...” sabi ko tas umiyak na ko

“Hindi ko kaya to. Gusto ko syang sundan ate! KAsalanan ko kung bat sya wala ngayon. Kung bat sya umalis.” Sabi ko habang umiiyak.

“Sis.. Bata pa kayo. Madami ka pang pwedeng maranasan. Hindi natatapos lahat dahil umalis si Eli.” Sabi ni Ate

“Pero ate. Malaki ang nabago ni Eli sa akin.” Sabi ko

“Alam ko at nakita namin nila Mama un. At natutuwa kami dun. Sobrang boto kami kay Eli. Pero wala e. Kung ganun ganun talaga. Kung magkikita kayo, magkikita kayo. Life must go on.” Sabi ni Ate

Pero di ko alam kung paano ako makakasurvive bukas pagpasok ko na alam kong wala ng Eli Santos na mambabadtrip sa akin. Na manggugulo. Mang-aasar. Maglalambing. Magtuturong magdrive at higit sa lahat wala ng Eli na magsasabi ng I love you Kelly.

T___T

ELI SANTOS!! BUMALIK KA NA!!!

.

.

.

.

.

Kinabukasan…

“Best sama ka sa bittersweet??” tanong ni Stacey tas siniko naman sya ni Yanny

“Aray! Ano ba??!” sabi ni Stacey. Tas sinasamaan sya ng tingin ni Yanny

“Ay. Shet. A. So—Sorry best.” Sabi ni Stacey

“Ano ka ba? Ok lang un.” Sabi ko

“Pero pass muna ko a. Uuwi muna ko ng maaga ngayon.” Sabi ko pa.

Hanggang sa nagkausap kami ni Yanny ng kami lang..

“Kailan mo pa alam na aalis sya?” tanong ko

“2days bago ung alis nya sinabi nya sa akin.” Sabi ni yanny

“Ayaw nyang ipasabi kasi di mo na daw kailangan pang malaman un.” Sabi pa ni Yanny

“Look. Yanny. Sobrang nagsisisi ako sa sinabi ko kay Eli, pero di ibig sabihin ng pagsasabi ko sa kanya nun e umalis sya.” Sabi ko

“Alam ko un Kelly. May dahilan din kung bakit nya tinanggap un. Gusto ng mama at papa nya din ung alok ng tito nya. Malaking opportunity ang naghihintay kay Eli dun dahil na din sa tito nya ang bahalang magpaaral sa kanya sa isang magandang university doon.” Sabi ni Yanny

“SUpportahan mo na lang sya Kelly. Babalik din si Eli.” Sabi pa nya.

Di ko alam kung gaano katagal akong maghihintay. Di ko alam kung ilang taon. Kung magkita kami maaalala nya ba ko? Makakalimutan na ba nya ung nangyari??

KELLY! WALANG MAKAPAGSASABI NG MANGYAYARI! HINTAYIN MO NA LANG!

AISH!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ilang buwan na ang nakakalipas pero di ko pa din maiwasang isipin si Eli. Kung kamusta kaya sya dun? Sinong kasama nya?? Sinong nag-aasikaso sa kanya..

Hindi pa din ako sanay na walang Eli sa tabi ko. Iba ang nadulot ni Eli sa buhay ko e. Sobrang saya lang nung nandito sya.

Kailan ka ba babalik Eli Santos!??!!

NOTE:

Eto na po ung UD.:)) Maikli lang po to ulit.:) POV lang po kasi to ni Kelly. Tsaka medyo sinasabaw ako ngayon.

Coffee and CakeOnde histórias criam vida. Descubra agora