C&C 27

10.3K 116 0
                                    

KELLY’S POV

Lapit na pala finals. The fuck. Review review na naman to. Ay nga pala, nagstart na akong magpaturo kay Eli magdrive. Sarap pala sa feeling pag nagd’drive. Hahaha! Well primera pa lang kaya ko, takot pa kong itodo e. Baka mamaya mabangga ko pa sa puno ung kotse. Yari pa ko kela Mama.

At speaking nga pala, birthday ni Mama bukas. So magp’plano na kami ni Kuya kung anong gagawin namin bukas. Andito kami ngayon sa bahay e, kasama si Eli kasi kakatapos lang naming mag-ikot sa village. Tinawagan na din ni Kuya sila DJ para pumunta sa bahay para tumulong sa surprise na ibibigay naming kay Mama.

Oo, nagbati na din ang dalawa saw akas. Hahaha! Upakan ko sila pag di sila nagbati.

“Asan na daw sila??” tanong ni Eli

“Si DJ papunta na.” sabi ni Kuya

“Si Stacey malapit na daw.” Sabi ko

“Si Yanny matatagalan e.” sabi naman ni Eli.

Tas maya maya dumating na ung dalawa. Nagkita na sila sa entrance ng village para isabay ni Stacey si DJ dahil di pa alam ni DJ ung dito sa amin.

“So ano bang plano???” tanong ni DJ

“Tamang tama nga dahil wala sila Mama. Sinama ni ate para magshopping. Tas pag-usapan na daw natin ngayon ung gagawin.” Sabi ni Kuya.

“Ok ganito. Ang naisip ko umalis tayo ng maaga dito kuya. Tas sabihan natin mamaya si Mama na wag ng magluto sa labas na lang tayo kumain. Pero ung totoo dito talaga ung handaan pero tayo tayo ung magluluto.” Sabi ko

“Tapos? Paano natin magagawa un??” tanong ni Eli

“Si ate na bahala maglito kay Mama. Aalis sila ng lunch time tas dapat lunch time hanggang 5pm ok na lahat. Sa ngayon ang gagawin natin e design para bukas.” Sabi ko

Tas maya maya may tumawag kay Eli. Si Yanny nagtatanong kung saan ba ung bahay namin. Kaya umalis muna si Eli para sunduin si Yanny sa may MCDO malapit sa village namin.

So sinimulan na naming ung dapat gawin bago pa dumating sila Mama, kasi di pwedeng malaman ni Mama na gumagawa kami dahil surprise nga diba??

“GUYS! May dalang merienda si yanny dahil late sya!” sigaw ni Eli.

“AYON!! Hahaha! Dapat lagi ka na lang late Yanny.” Sabi naman ni Kuya.

“Baliw! Ayaw ko nga. Ubos pera ko pag ganun.” Sabi ni yanny.

“O kain na muna kayo bago ituloy yan.” Sabi ni Yanny ulit.

So kumain na muna kami. Magtetext naman si Ate kung parating na sila ni Mama e.

“Ay. Nga pala. Mas ok kung may dance number o kaya kahit na anong pangentertain.” Suggestion naman ni Stacey.

“Oo nga sis! Ok un.” Sabi ni Kuya.

“Sayaw kayo ni Eli!” sabi ni DJ

“OO NGA! HAHAHA!” sabi naman nilang lahat.

“AYAW KO NGA!” sabi ko. Pakipot lang.

“Ayaw pa??! Ikaw na lang Eli. Solo mo.” Sabi ni Travis.

“AYAW KO NGA! Hindi naman ako ung anak nun e.” sabi ni Eli

“E PANO DI KA PA NAGP’PROPOSE KAY KELLY!” sabi ni Kuya.

“KUYAAA??!!” sabi ko.

“Joke lang. hahaha!” sabi ni Kuya.

“hahaha. Malapit na.” sabi naman ni Eli.

“BWISET!” sabi ko.

“E bakit hindi na lang tayo ang sumayaw??” tanong naman ni Eli kay Kuya

Coffee and CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon