C&C 14

11.2K 147 3
                                    

GENERAL POV

Tuesday after lunch nagkita si Eli at Kelly sa park ng village nila Kelly. Naisip ni Eli na dalhin si Kelly sa isang carnival para matulungan si Kelly na makamove on. Hindi na gaanong na-iilang si Kelly kasama si Eli.

Natutuwa na din si Kelly na nanjan si Eli para tulungan sya. Walang kaalam alam si Kelly na nagkakagusto na sa kanya si Eli.. at di din alam ni Eli na nilalabanan ni Kelly ang feelings nya para kay Eli. Ayaw talaga ni Kelly na mafall sya kay Eli. Takot syang magmahal ng isang tibo.

“O? Asan na tayo??” tanong ni Kelly.

“Sa carnival..” sabi naman ni Eli..

“e?? Alam mo dapat nagpapahinga na lang tayo. Wala kayang pasok. O kaya dapat nagshopping na lang tayo.” Sabi ni Kelly.

“Shut up Ms. Jimenez. Tinutulungan kita, ok? Wag kang reklamador..” sabi ni Eli.

“E kasi naman… Tutulungan?? Sa alin?” tanong ni Kelly.

“Sa problema mo. Para makalimutan sya.” Sabi ni Eli…

KELLY’S POV

Baliw ba to? Carnival?? Makakalimutan ko na si Kristian???… Pssshhh.

“Ha?? Pano naman??” tanong ko..

“Kaya nga tayo andito.. Para magsaya.. Kahit papano, makakatulong na di sya maisip.” Sabi ni Eli.

Bat nya ba to ginagawa?? Ano bang meron? Pero aaminin ko, natutuwa ako kay Eli. Sobrang bait nya pala. Feeling ko nga di ko na kakayanin pag nawala sya e.

I mean, sobra na kaming close. Nakikilala ko na sya. Unti-unti na din akong napapalapit at nagiging kumportable sa kanya. Weird lang pero di ko din alam kung anong meron sa kanya…

Habang naglalakad kami, nakatingin ang mga tao sa amin dito… Mostly sa kanya.. Makaporma naman kasi..

Simple lang suot nya kung tutuusin pero iba kasi sya magdala..

Simpleng v-neck lose white tshirt, simpleng pants, tas nakapolo sya na dark color, open buttons. Ewan, and simple lang diba? Pero kung makikita nyo sya iba e. tas naka-shades sya. So dagdag style pa un, at aaminin ko, bagay nya. Mas nagmukha syang lalaki.

“TARA DUN TAYO!” sabi ni Eli, at hinila nya ko papuntang bump car..

“YEY!!!” sabi ko.. Sorry, paborito ko to…

Nagstart na kaming maglaro ni Eli, ang saya lang kasi hindi lang kami ang naglalaro dito, madami din. Ung tipong di kayo magkakakilala, pero nagbabanggaan kayo na parang close kayo…

“YARI KA SA AKIN MS. JIMENEZ!” sabi ni Eli at nasa likod ko sya.. bat nya ko gustong banggain?? Anak naman ng ano o!

Hinahabol ako ni Eli.. At ako naman nagpapahabol.. Wala na bang ibibilis tong bump car na to?!?!??

Wala na! Corner na nya ko…

***BOINK!

At parang naalog ung ulo ko sa pagbangga nya sa akin… Leche!

“HAHAHAHAHA! You alright???” tawa muna bago mag-alala?? Bwisiiiit!

“OO! Ok na ok na ung pagbangga mo e.” sabi ko. At syempre, bilang Eli, tumawa lang sya…

After namin sa bump car andami pa naming pinuntahan na palaruan.. Nakaka-enjoy kasama si Eli.. Ang sarap nyang kasama, ung tipong sa isang araw kahit sya lang kasama mo mag-eenjoy ka na.. Di boring. Un nga lang nakakapagod, kasi napaka hyper nya…

“OMAYGAAAAAD! Gusto ko nito… Kuya, pano to??” sabi ko..

“ma’am madali lang po.. Tamaan nyo lang po ung number ng stuff na gusto nyo gamit tong toy gun na to.” Sabi naman nung nagbabantay dun..

Coffee and CakeWhere stories live. Discover now