Level Twenty One - Lalaine

Magsimula sa umpisa
                                    

 "Kai, alam mo ba yung part ng brain responsible for physical pain?" tinignan ko si Lalaine. Minsan nakakatakot na rin 'to eh, bigla-bigla nalang sumusulpot.

"Huh? Hindi eh." 

"Alam mo bang 'yun rin ang area ng brain na nagcocontrol ng jealousy?" Literal na ngumanga ako. Nakakapagtaka rin minsan kasi 'to si Lalaine, alam mo yung ang dami niyang alam pero nataasan pa namin siya ni Althea? Pero natanong ko na rin naman sakanya yun eh, alam niyo kung ano lagi niyang sinasabi? Syempre hindi.

"Ano 'ba yan Leyn! Minsan nga taasan mo naman kami." Well, hindi yun pagmamayabang. Kasi hindi naman namin nilalagyan yung teacher pero laging top 3 yan si Lalaine, kumpara sa amin ni Althea--este ako lang. Hindi naman ako pala-aral. Sabihin na nating, may alam lang. Pero si Lalaine, subsob yan sa pag-aaral. Literally.

"Hindi naman kailangang nasa top ka para masabing matalino ka." sabay ngumiti siya. Feeling ko nga,  nabasag ako. Pero tama rin naman siya. Hindi ko rin masisisi kung ganon yung pananaw niya diba? 

Lumabas na  yung dalawa ko pang classmate. Nagsabay-sabay nalang kami maglakad pero ang awkward lang. Wala akong close sakanila though ilang buwan na rin kaming magkakasama. Si Lalaine, nagbabasa pa rin ng libro niya habang lumalakad. Yung dalawa pa, nagtetext. Ako? Nagmamasid sa hallway, konti na nga lang mapagkakamalan na akong may down syndrome eh.

"Mga ate, uwi na kayo. May pupuntahan pa ako eh." sabay ngiti sa kanila. Pare-parehas kasi sila ng way ng bahay. Si Lalaine na kanina nasa likod ko lang, nandoon na naglalakad. Saan naman kaya pupunta yun?

"Sige, bye!" sabi nung dalawa. Bumalik pa ako ulit sa school. Gusto ko kasi makita si Hyunsu, hindi ko siya nakita buong araw sa school eh. Hindi ko rin naman napansin kaninang palabas kami. Nasaan na kaya yung Jack na 'yon?

Nasa harap na ako ng clinic. Napahawak ako sa dibdib ko, dug dug dug

Kinakabahan ako.

Pansin mo rin pala yun, Kai?

Nagtatalo pa rin yung isip at puso ko kung bubuksan ko yung pintuan. Pesteng puso 'yan, bakit ba kasi ako kinakabahan? Ugh.

Hindi naman siguro ako papagalitan ni Mama pag-uwi diba? 5:19 pa lang naman.

Inhale.. Exhale.. Breathe in.. Breathe out..

Okay, Kai. Kaya mo yan.

"O Kyra, Bakit andito ka pa?"

"ANAKNGPUPPYNAMANOO!"

"Hahahaha, sorry Kai. Sige alis na ako." Si Ma'am AC pala. Umalis na si Ma'am, dumaan lang para mang-gulat.

Eto na, bubuksan ko na talaga. Hinawakan ko na yung doorknob, unti-unti kong pinihit.. Hanggang bumukas. Siguro nga nandito pa yun, bukas pa eh. Nang...

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon