Level Nine - "Wag muna, please.."

259 12 6
                                    

- L E V E L  N I N E -

Pag-uwi ko dumiretso agad ako sa kitchen. Nahihilo na talaga akong tunay, buti na nga lang hindi ako gumapang pauwi eh.

Pag dating ko sa kitchen nakita ko si Mama na kumakain ng carbonara habang nanunuod ng balita sa T.V.

“Oh nandito ka na pala. Tumawag sa akin si Principal Fuentes ah.” salubong sa akin ni Mama. Umupo naman ako sa harap niya.

“Sinabi na sa’yo Ma? Exempted na nga ako sa Semi-finals eh.”

“Oo.. Okay lang naman. Basta hindi bababa ang grades mo sa ibang subject, Teka, sino ba ang magcoach mo? Si Ma’am AC ba?” Kilala na kasi ni Mama si Ma’am AC, medyo close nga sila eh.

“Hindi ma eh.. Si sir Melvin po. Yung substitute po ni Sir Anthony..”

Ang dami pa namin pinagusapan ni Mama. Nagpaalam akong aakyat na dahil gusto ko panuorin ulit yung Akeelah and the Bee. Regalo sa akin yung ng tita ko dati eh. Sobrang nainspire ako sa movie na iyon.

Yung Akeelah and the Bee about siya sa isang babae na magaling sa spelling pero lagi siyang binubully sa school. Tapos sinali siya ng teacher niya sa spelling contest, nakilala niya ung isang mentor. Basta, panuorin niyo nalang. Sobrang inspiring siya.

Almost nine na ako natapos sa panunuod. Sinusulat ko pa kasi yung mga iniispell niya. Grabe, inaantok na ako. Ni-hindi na nga ako nakakain kasama nila Mama sa hapunan. Dinalhan na lang nila ako sa kwarto. Naiintindihan naman nila ako eh.

Before I realize I was already .. ZzZzZzZZZzZzZZzZZzZz……

--

6:08 ng umaga. Nasa labas na ako ng subdivision namin para mag-abang ng Jeep na masasakyan. Nakasalpak yung headphones ko na ang tugtog ay Canon Rock ni Sungha Jung. Sobrang naaattract talaga ako kay Sungha. Ang gwapo niya pag nagigitara.

 Grabe, kahit ang aga ko natulog, medyo inaantok pa ako. Pumara sa harap ko ang isang jeep.

Infairness ah, ang luwag niya kaso sa magkabilang pang-disabled na banda.

 May nakaupo, Sa kaliwa isang estudyante na kung tatanchahin, nasa freshman pa lang nagbabasa ng libro na ang title ay A walk to remember, Wow lang. Hindi kaya siya maiyak dito sa Jeep? hehe.

Yung kabila naman ay isang lalaki na nakatakip ng panyo sa mukha, siguro natutulog. Hala si Kuya ano kaya ginawa kagabi? hahaha. Joke lang.

Umupo ako dun sa tabi ng lalaki, for sure kasi hindi ako pagaabutin ng bayad nun, tulog na eh. Pero si freshman, mamaya pag-abutin pa ako ng bayad.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon