V:39

14.7K 389 3
                                    

   

     NAKAUPO  kami sa dulo ng hatch ng yacht habang kumakain ng hapunan at nakatingin sa kalangitang puno ng bituin.

"Thank you po sa pangalawang family date," nakangiting sabi ni Zaar. "Sana po sa susunod kasama na natin si Zynamite."

"Kasama na natin siya sa susunod," nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Oscar.

Ngumiti ito. "Yes."

"Teka, Dadi bakit kami po walang wine?" Napalingon kami kay Zakamir. "Bakit kayo lang ni Mami?"

"Bad pa sa inyo ang wine," sagot ko. "Alcohol pa rin ito. Mag-wine kayo kapag malaki na kayo."

"Bakit sabi po ni Ninong Cleo, kapag malaki kami dapat ang inumin namin ay whiskey," nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Zaiden, pero halos mabulunan ako sa sunod niyang sinabi. "Tapos po, may kandong daw kaming girls."

"Remind me to punch, Cleo." igting ang pangang sabi ni Oscar.

"Use your gun instead," suggest ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nang matapos kami ay niligpit namin ang pinagkainan namin bago mahiga sa lapag at tumitig sa langit. Nasa gitna namin ni Oscar ang mga bata.

"Kapag nandito na si Zynamite, ililibre ko siya gamit ang ipon ko." sabi ni Zaar.

"Lagi kong itatabing matulog si Zynamite para hindi siya matakot," sabi naman ni Zaiden.

"I will treat her like a princess and I will never let them hurt her again," sabi naman ni Zakamir.

Napalingon ako kay Oscar at nahuli kong nakatingin ito sa'kin. I can see mix emotion on his eyes.

"Babawiin natin siya, just trust me." Oscar said. "Gagawin ko ang lahat pars makasama natin siya."

Saglit pa kaming tumitig sa kalangitan bago namin napagpasyahang tumayo. Pumasok ang mga bata sa pinakaloob ng yacht, kami naman ni Oscar ay umakyat sa pangalawang palapag. He drove the yacht while I'm just sitting and watching him.

"Oscar, bakit kayo naging magkaaway ni Johan?" wala sa sariling tanong ko.

"He's my brother," natigilan ako sa sinagot nito. "He's my step father's son. Legal na kapatid siya nila Death at Secret. He's kind and sweet, but when my step father chose me to train than him, he changed. He became violent and bad."

"He always hurt me, he always throw a hurtful words to my mother. And then, the next thing he do. He joined to rebel mafia," he added. "Sila ang mga rebeldeng Mafia na walang batas at basta basta na lang ginagawa ang mga gusto nito. Wanted sila sa ultors Mafia at malaki ang reward sa mga makakahuli sa kanila."

"Nasabi mo sa'kin na si Riffle ang pinuno nila?" He nodded.

"Yes," tugon nito. "Riffle, already faced his consequences. Hinatulan siya ng kamatay ng mga ultors, but Death fight the ultors. And in the end, they chose to free him."

"Hindi na ba kayo nagkausap pa ni Johan?"

Umiling ito. "I tried to talk to him but he always pointing his gun at me. I chose not to fight him and let him whatever he wants, but when he killed Secret-his sisters, I chose to hunt him and make him pay. Mas lalong nadagdagan ang galit ko sa kaniya nang pinatay niya ang nanay ko at step dad ko."

"Sorry to say this, pero hindi niya deserve maging malaya. He killed my parents, gusto ko siyang magbayad sa lahat ng ginawa niya." mahinang sabi ko.

"That's exactly my plan, I will make him pay." kita ko ang pagkuyom ng kamao nito.

Umiinit na ang tensiyon kaya iniba kona ang usapan. Nilibang kona lang si Oscar hanggang sa makarating kami sa piyer.

Bumaba na kami ni Oscar. Pumasok ito sa loob para puntahan yung mga bata, nang makalabas ito ay kasunod na niya ito.

"Mami, antok na po ako." reklamo ni Zaiden habang naglalakad kami pababa sa yacht.

"Pwede kayong matulog sa kotse," sambit ko.

Nang makarating kami sa sasakyan ay agad kong pinasakay ang tatlo sa backseat. Sunod naman kaming sumakay ni Oscar.

"Na-enjoy mo ba kanina?" tanong ni Oscar na ikinalingon ko sa kaniya.

Tumango ako. "Thank you for making us happy, Oscar."

"It's my duty, Zav."

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan, pareho kaming bumaba ni Oscar. Binuksan nito ang backseat at binuhat yung tatlong bata na mahimbing na natutulog.

"Ako na ang magbubuhat kay Zaar," presinta ko.

"No," umiling ito. "You need energy."

Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil parang may ibang meaning ang sinabi niya.

Pumasok kami sa bahay. Diniretso niya ang mga bata sa kuwarto nito, sumunod naman ako. Kinuhanan ko ng damit sa closet ang mga bata at pinalitan ang mga ito.

Nang masigurado naming ayos na ang mga bata ay lumabas na kami at pumasok sa kuwarto namin. Agad akong tinulak ni Oscar sa kama.

"Oscar, hindi pwede ngayon." natigilan ito. " I have menstruation today."

Napasimangot naman ito at pahigang tumabi sa'kin. Natawa naman ako at yumakap sa kaniya.

"Bad timing," bulong nito.

"Bawi na lang ako sa susunod," sagot ko.

Napapikit na lang ako nang halikan nito ang tuktok ng ulo ko. We both sleep while hugging each other.

Kinabukasan ay wala na si Oscar sa tabi ko. Bumangon ako at dumiretso sa labas pero wala rin siya. Tanging mga bata lang ang nadatnan ko.

"Nasaan ang Dadi niyo?" tanong ko.

"Wala na po siya nang magising kami," sagot ni Zaiden. "Pero may luto na pong breakfast."

Tumango ako at nakiupo sa kanila. Kumain na lang din ako habang iniisip kung nasaan si Oscar.

Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nagligpit at naghugas, pinaligo kona ang mga bata at pinagawa ng assignments nila. . . Bumalik ako sa kuwarto namin ni Oscar at inopen ang laptop niya na pinahiram sa'kin.

Nagtrabaho lang ako at hinintay makabalik si Oscar. Lumipas ang tanghalian pero hindi siya umuwi, wala rin siya tawag na ikinataka ko.

Nang sumapit ang gabi ay may kumatok, sa pag aakalang si Oscar yun ay nagmamadali akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

Natigilan ako nang makita si Fifth na may bitbit na isang batang babae na...kahawig ni Oscar.

"She's home," sabi ni Fifth. "I'm not fifth, I'm third."

"MOMMY!" agad akong niyakap ng bata. "Mommy ko!"

Napakurap kurap ako at tiningnan si Third. "S-si Oscar?"

"We're still searching for his body..."

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя