PROLOGUE

23.3K 465 52
                                    


Expect typographical errors and grammatical errors.

****************************

"Grabe kana, Zavia Leneghan!" Umarko ang isang kilay ko nang hampasin ako sa braso nitong payat kong kaklaseng babae. "Biruin mo? Crush ka ni Oscar."

"So? Sa kaniya galing itong mga chocolates at teddy bear ko?" Tumango ito. "What a gross trash. Take it. Iyo na lahat, ayoko nito."

"Ha? Teka, sayang naman yung eff-"

"-Kaya nga para hindi masayang iyo na lang." Tumayo ako. "Halata rin namang type mo yung lalaking yun. And pwede ba? Stay away from me, we're not on same level."

Inis akong lumabas ng classroom at dumiretso sa C.R, kinuha ko yung alcohol ko at pinaligo iyon sa braso ko. Ang lagkit lagkit ng kamay niya. Kadiri.

I wash my hands and put lipstick on my lips. Nang masiguro kong okay na ako, lumabas na ako sa C.R.

"Zav," I stopped when I saw Oscar-Oscar Xamirez. Isa siya sa mga nagkakagusto sa'kin, and I hate him. Yeah, he's looking good but he's poor. Hindi niya maibibigay ang mga bagay na gusto ko. "Nagustuhan mo ba yung mga bi-"

"Oh, yung mga pangit na regalo mo?" Nawala ang ngiti sa mukha nito. "Yeah, I gave it to one of my classmate. I hate your gift, Oscar. Hindi naman original ang mga yun."

"Inipon ko ang pambili non, sahod ko yun sa pagba-barker-"

"-It's not my fault, Oscar." I took my wallet from my bag. "Magkano ba yun? Babayaran kona lang." Kinuha ko ang two thousands sa wallet ko at ipinasok sa bulsa ng polo niya. "Sobra pa yan, and I think sapat na yan para tigilan mona ako. I don't like you, Oscar. You're not my type."

"Zav, bigyan mo ako ng chance." He was about to touch my hand, but he stopped when I step backward. "Mahirap ako, Zav, at hindi maibibigay ang gusto mo. Pero ngayon lang yun, pangako kapag naging tayo ay maibibigay ko ang mga gusto mo."

Natawa ako. "Don't kidding me, Oscar. School uniform nga ay hindi ka makabili, mga gusto ko pa kaya? You know what? Doon kana lang sa mga nagkakagusto sa'yo, sila ang bagay sa'yo, hindi ako."

Bago pa siya makapagsalita ay agad kona siyang tinalikuran. Bumalik ako sa klase at naupo sa upuan ko. Sakto namang pumasok ang teacher namin. Pagkatapos magturo ng teacher namin ay tumayo na ako at isinukbit ang bag ko.

I'm excited to come home. Sure akong may bagong gucci bag ako from my mother. Siguradong marami rin akong pasalubong na imported foods.

"Zav!" Napairap ako nang humarang sa daraanan ko, si Oscar. "Hatid na kita, padilim na at baka may mangyari pa sa'yo."

"I can go home alone, Oscar."

Nilapagsan ko siya at dire diretsong lumabas ng gate. Agad akong pumara ng taxi at sumakay. Wala kasi ang driver namin kaya kailangan kong mag-commute.

Nag-retouch lang ako buong biyahe. . . Natigilan ako nang mapansing ibang daan ang tinatahak ng driver.

"Manong, hindi ito ang address na binigay ko." kinalabit ko ito.

Kinilabutan ako nang ngumisi ito. I was about to scream but I stopped when I saw that he's holding a knife.

"Subukan mong sumigaw at patay ka."

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now