V:14

15.5K 437 5
                                    

 

   BABY?

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa utak ko ang salitang yun na sinabi ni Oscar. Tinawag niya akong baby sa harapan ng mga kapatid niya! I don't know what I need to react.

Bago pa ako kapusin ng hininga kanina ay agad na akong hinila ni Secret patungo sa kusina nila dito. Nabawasan ang kaba sa puso ko nang makakita ng lumpiang toge sa lamesa. Lumpiang toge is life.

Tahimik lang kaming kumakain, tanging si Secret lang ang maingay at apura ang tukso sa'min ni Oscar na hindi rin siya pinapansin.

"Anong nangyari sa'yo, Oscar? Bakit may pa baby kana kay Zav?" usisa ni Secret. "Mahal mo pa?"

"If you won't shut your mouth, I will tell to nanay that you're the one who took her one hundred thousand." Otomatikong napatikom ng bibig si Secret dahil sa sinabi ni Oscar.

Buti nga sa'yo.

Nang matapos kami sa pagkain, ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin. Si Death at Secret naman ay umalis ng kusina, samantalang si Oscar nanatiling nakaupo.

Ramdam ko ang titig nito sa'kin habang naghuhugas ako kaya bahagyang nanginginig ang mga kamay ko at malakas ang kabog ng dibdib ko.

"How's your flight?" bahagya akong napaigtad nang magsalita ito.

"F-flight?" tumikhim ako. "O-okay lang, m-masaya."

"Hmm, I see..." Bakit ba ako kinakabahan? Si Oscar the sungit lang naman yan.

"M-may sakit ka?" Napakagat ako sa ibabang labi ko matapos kong itanong ang bagay na yan. "Sabi kasi ni Secret, hindi maayos ang pakiramdam mo."

"This is just nothing," tugon nito. "I think you're done with your doing. You can face me now."

Nanginginig ang kamay na pinatay ko ang gripo, bago dahan dahang pumihit paharap kay Oscar. Agad akong pinagpawisan nang magsalubong ang tingin namin.

"Why are you shaking?" nakataas ang isang kilay na tanong nito. "Are you afraid with me?"

"Hindi!" agap kong sagot at itinago sa aking likuran ang kamay kong nanginginig. "B-bakit naman ako matatakot? H-hindi mo naman ako sasaktan."

Tumayo ito sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa'kin. Parang may apoy na sumiklab sa aking katawan nang idikit niya ang sarili niya sa akin at hawakan ang leeg ko.

"What if I hurt you?" He's caressing my neck. "Will you afraid, if I hurt you?"

Dahan dahan kong itinango ang ulo ko habang sinasalubong ang nagbabaga niyang tingin.

"Ay, may bold." Malakas ko siyang naitulak nang may magsalita. "Para paraan, ah?"

Si Secret. And she's with Cleo na seryosong seryoso ang mukha habang nakatingin sa'kin.

"Why she's here?" malamig nitong tanong kay Oscar. "Are you fvcking out of your mind, Oscar? You know that this place is dangerous and you still bought here, here."

"And?" tinaasan siya ng isang kilay ni Oscar. "You don't fvcking care, Moscov. She's my property and I'm the one who will decide about her."

Kita ko ang pag igting ng panga ni Cleopard. Mabilis nitong nilapitan si Oscar at kinwelyuhan.

"Stop playing with her feelings, Xamirez. And fvcking stop owning her because she's not yours!" galit na sabi nito.

"Cleo," saway ko rito kaya napatigil siya. "Tama na."

Madiin itong napayukom sa kamao niya bago pabatong bitawan si Oscar. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Cleo, kay Oscar.

"Just call my name, if you want to run away from him. I'm one call away when it comes to you, Zavia." seryosong sabi nito bago umalis.

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now