V:7

13.1K 400 16
                                    

 

     HINDI ko alam kung anong gagawin kong pambawi kay Oscar. May kapatawaran nga ba ang nagawa ko? Kung hindi siguro ako immature noon, siguro hindi nangyari ang bagay na yun. Siguro buhay pa ang ama ni Oscar at hindi ganito ang buhay ko.

Dati tuwang tuwa ako sa ugali kong iyon, pero ngayon sukang suka ako. I can't believe that I'm like that. Sa sobrang immature at sama ng ugali ko, ang dami kong nasirang buhay. And because of that mindset, I'm suffering from this karma. Todo lait pa ako sa mga schoolmates ko na wala silang mararating, but now they are successful while I'm just a piece of shit.

"Lalim naman ng iniisip mo," kahit hindi ko lingunin ang nagsalita sigurado akong si Cleo yun. "May nangyari ba? Care to share?"

"I'm just thinking of my younger self." Napahinga ako nang malalim. "Ang dami ko pa lang nasirang buhay, ang dami kong nasaktan. Isa na si Oscar sa mga taong iyon. He suffered a lot because of me. He lost his father because of me."

"You can't escape from that if you always bringing back your pass," he said. "Zavia, kung ano man ang nagawa mo kay Oscar siguradong mapapatawad ka rin niya. At kung ano man ang nagawa mo noon, ang mahalaga ay napagsisihan mona. Don't imprisoned yourself from your past. Try to move forward."

"Madaling sabihin, Cleo." Napailing iling na lang ako. "Himala yata nandito ka? Wala kang lakad?"

"You always like that, you always changing the serious topic." Napahinga ito nang malalim. "Kumain kana? Gusto mong kumain? My treat."

"You always spoil me, baka masanay ako niya." biro ko sa kaniya.

"That's my plan," kumindat ito bago ako akbayan. "Saan mo gusto? Sa fishball-an ni mang isko o sa karinderya ni mareng Analyn?"

"Karinderya ni mareng Analyn mo, nag-crave ako bigla sa lechong kawali at lumpiang toge."

"Then we'll go to mareng Analyn's karinderya."

Akbay akbay ako nito habang naglalakad kami patungo sa karinderya ni mareng Analyn. Nang makarating doon maraming customer agad ang bumungad sa'min. Aligagang aligaga si mareng Analyn sa pag asikaso sa mga customer niya.

Pumwesto kami ni Cleo sa bandang dulo, doon na lang kasi ang bakante. Si Cleo ang umorder ng kakainin namin habang ako ay tahimik lang na naghihintay sa kaniya.

Malapit na namang gumabi, magkikita na naman kami bukas ni Oscar. Paano ko magagawa ang move forward na sinasabi ni Cleo kung araw araw kong nakikita ang taong nagpapaalala sa'kin non? Sana ay mapatawad na ako ni Oscar, alam kong matatagalan pero gagawin ko ang lahat. Makakapag-move forward lang siguro ako kapag napatawad na niya ako.

"You're spacing again."

Tumayo ako para tulungan si Cleo. Kukuhanin kona sana yung isang tray na hawak niya pero nilayo niya ito.

"Maupo kana," sabi nito.

Tumango na lang ako at naupo. Pinanood ko lang itong ilapag ang mga inorder niya. Itinabi niya sa gilid ang tray bago maupo.

"Let's eat." Pinanood ko itong kuhanin ang kutsara at tinidor. Banayad ang galaw nito at galaw mayaman siya. "Why?"

Umiling lang ako at nagsimula na ring kumain. Hanggang ngayon talaga ay curious ako sa buhay at pagkatao nitong si Cleo. Siguradong sigurado akong mayaman siya.

"Rich kid ka 'no?" hindi mapigilang tanong ko sa kaniya. "Bakit kasi ayaw mo pang ibunyag ang pagkatao mo?"

"Ikaw ang gusto kong makatuklas ng bagay na yun," tugon nito. "Sa ngayon susulitin ko muna ang araw na hindi ka galit sa'kin."

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon