V:24

13.5K 362 9
                                    

Warning: R18, this chapter can be trigger your trauma.

***************

      HINDI na nag-focus si Oscar sa pagtatrabaho. Buong araw lang itong nakipag-bonding sa mga anak namin na ubod ng kulit.

Nang kinahapunan ay nag aya na itong makauwi. Sabay sabay na naglalakad ang mga ito habang ako ay nasa likuran lang nila at nakasunod.

"Wow, ganda ng car mo po!" manghang sabi ni Zakamir nang makasakay kami sa kotse niya.

Nasa front seat ako, habang nasa backseat naman yung tatlong bata.

"Dadi, marami ka pong car?" tanong ni Zaar sa gitna ng biyahe.

"Yes, I have a lot of cars." Tipid na sagot ni Oscar.

"Wow, astig! Si mami rin po may car at maganda rin," sabi naman ni Zaiden. "Kaso sobrang bagal mag-drive ni mami."

"Siyempre kailangan safe kayo," sagot ko habang nasa bintana ang tingin. "Alam niyo naman kung gaano ako kaingat pagdating sa inyo."

"Sa sobrang pag iingat mo nga ipinagkait mona ang karapatan ko." Mapait na sabi ni Oscar na ikinatikom ng bibig ko.

Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay ni Oscar. Walang pinagbago sa bahay niya, maliban na lamang sa mga bagong tanim na bulakalak.

Nang makababa kami ng kotse ay parang bumalik sa'kin ang mga alaala ko noon. Dito sa bahay na ito nagsimula ang lahat.

Pumasok sa loob yung mag-a-ama kaya agad akong sumunod. Bigla akong naging excited! Gusto kong makita si Secret.

"Oscar, nasaan si Secret?" mahinang tanong ko. "Nandiyan ba siya?"

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito. Parang bumigat din ang paghinga nito.

"Oscar, ayos ka lang?" alalang tanong ko.

Dahan dahang umangat ang kamay nito hanggang sa may ituro siya. Nilingon ko naman iyon, ngunit natigilan ako nang makita kung ano iyon. Isang itim na banga at sa harapan non ay ang litrato ni Secret na nakangiti.

"She's dead," malamig na sabi nito na lalong gumimbal sa kalooban ko.

Nanginginig ang katawang lumakad ako palapit sa litrato ni Secret. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang hinahaplos ang nakangiting larawan nito.

"Uyy..... sorry, h-hindi ko alam." Kinuha ko ang litrato nito at niyakap. "Nandito na ako, Secret. Balik kana."

Sa halos isang buwan na kasama ko si Secret, nagkaroon ako bigla ng kapatid. Sobrang napalapit sa'kin si Secret at sobrang sakit sa puso ko nang malaman ang pagkawala niya.

"Mami? Iiyak ka po?" Pinunasan ko ang mga luha ko at nakatinging hinarap ang mga anak ko. "Mami, ayos ka lang po?"

Pinantayan ko sila at ipinakita ang litrato ni Secret. "Ang ganda niya diba? Tita niyo siya. . . K-kung nakilala niyo siya, sure akong magkakasundo kayo. K-kaso, nasa heaven na siya."

Lumapit sa'kin si Zaiden at hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ulit ako.

"Mami, wag kana pong umiyak."

Tumango ako at tumayo. Ibinalik ko ang litrato ni Secret sa lagayan nito. "Miss kita sobra.."

"Dadi? Saan po ang room ni Mami? Kailangan niya na pong mag-rest eh." Napalingon ako kay Zaar nang magsalita ito. "Hindi po kasi maganda sa health ni Mami ang umiyak."

Lumingon sa'kin si Oscar. Nawala na ang lamig ng tingin nito sa'kin, pero wala pa ring emosyon ang mga mata niya.

"Upstairs," sabi nito. "Dati niyang kuwarto."

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you, Oscar.." Binalingan ko ang mga bata. "Kain muna kayo ah? Kapag maglilinis kayo, puntahan niyo ako."

Hinalikan ko muna sila isa isa bago maglakad paakyat ng hagdan. Gumaan ang pakiramdam ko nang makapasok ako sa dati kong naging kuwarto rito. Sobrang linis nito at wala man lang akong nakitang alikabok.

Hinubad ko ang sandals ko at agad humiga sa kama. Ang daming nangyari ngayong araw. Una, lumuwas ang mga anak kong limang taong gulang. Pangalawa, hinarap ko ang galit at hinanakit ni Oscar. At pangatlo, ang balita tungkol kay Secret.

Hindi ko akaling wala na si Secret pagkabalik ko. Huling yakap na pala namin yun, dapat pala ay sinulit kona.

Sa katititig sa kisame ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Mga bandang alas dos ay nagising ako dahil kumulo ang tiyan ko. May kumot na ako nang magising ako, mukhang kinumutan ako ng mga bata.

Lumabas ako ng kuwarto at walang ingay na naglakad pababa ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at agad binuksan ang ilaw doon. Agad akong nangalkal sa ref at may nakita akong carbonara. Kinuha ko iyon at ininit sa microwave.

Habang hinihintay ay nagtimpla muna ako ng Milo para makatulog ulit ako. Nang matapos mainit ay naupo ako at nagsimulang kumain.

"Hindi ka man lang nagpaalam sa may ari ng bahay."

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Oscar. Bahagya ko pang natabig ang milo kaya natapon ito sa'kin.

"Sakit!" Dumiretso ako sa gripo at hinugasan ang kamay ko.

"Karma is fast," malamig na sabi ni Oscar at nagtungo sa ref niya. Kumuha ito ng beer at naupo sa island counter.

Pinatay ko naman yung gripo at binalikan yung kinakain ko. "B-babayaran ko ito.."

"I didn't say that you need to pay that," sabi nito at tumungga ng beer niya.

Napuno ng katahimikan sa kusina. Tahimik lang akong kumakain at tahimik lamang din na umiinom si Oscar.

"After you left," basag nito sa katahimikan. "Death, called me. Ibinalita niya sa'kin na patay na si Secret. They found Secret's body in forest, she was killed and raped. They molested my sister, after they killed her. Ang sama nila, diba? Patay na yung tao, tapos ginawa pa nila yun."

"Oscar.."

"After what happened to my sister, another news bomb my world. Habang nakaburol ang kapatid ko, n-namatay naman ang Nanay at Step Father ko. They bomb their car. Sinakto talaga nila sa burol ng kapatid ko, sinakto nila kung kailan nanghihina ako." parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang luha nito. "L-lahat kinuha nila sa'kin. Death, also left me alone. Kung hindi ka umalis, ikaw sana ang karamay ko eh, kaso umalis ka rin. I was left alone, Zav. Dinamayan naman ako ng mga kaibigan ko, pero iba kapag ikaw eh."

"Walang natira sa'kin noong mga panahong iyon. Mag isa akong namuhay, mag isa akong lumaban sa lahat." He wiped his tears. "And now, I'm thankful because I have a children. Sila ang aasahan kong hindi ako iiwan. Ayaw na kasi kitang asahan na hindi mo ako iiwan, because I know you will leave again. Just like what you did to me twice."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "I'm sorry..."

"After you ate, go to your room now." Tumayo ito at itinapon ang canned beer na walang laman. "We will talk about what will happen to our children."

Walang lingon lingon itong umakyat patungong kuwarto niya. Napadukdok na lang ako sa desk ko at doon humagulgol.

I'm so selfish. I'm so fvcking selfish. Inisip ko lang yung sakit na nararamdaman ko, hindi ko man lang siya inisip. Hindi ko man lang siya nadamayan noong mga panahon na yun. I'm so selfish.

Wala akong ginawa kundi ang iwan siya kung kailan naghihirap siya. I deserve his hate. At tatanggapin ko kung sakali mang hindi na niya ako kayang patawarin....

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now