V:30

14.3K 374 1
                                    

     HINDI ako makapaniwala. In just one snap, para kaming naging complete family. Nagkaroon ng kulay ang pamilya namin ni Oscar.

"Papasok kana sa work?" Tanong ni Oscar nang makababa ako.

Kababalik lang namin ng pampanga kagabi at talagang sumama si Oscar. Sa bahay siya tumutuloy. Nakakaloka rin, dahil tabi tabi kaming natulog sa iisang higaan. Ang baduy man pakinggan pero para akong tangang kinililig kagabi.

Dahil nga balik na kami sa pampanga, balik na rin ang nakagawian. Papasok ako sa work at papasok naman ang mga bata sa school.

"Oo," sagot ko.

Napatango ito. "Don't use your car. Ako ang mag-da-drive para sa inyo ng mga bata."

"Sige."

Ngumiti ito at nilapitan muli ang mga bata. Siya ang nag ayos ng necktie ng mga anak niya. Nang matapos silang mag ayusan ay lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan niya.

"Anong oras ang uwi ng mga bata?" Tanong ni Oscar habang nagmamaneho.

"Three pa ang uwi nila," tugon ko. "Sa tanghali ay dinadalan ko lang sila ng pagkain."

Napatango ito. "Ako na ang magdadala ng pagkain nila."

Una kaming huminto sa eskwelahan ng mga bata. Humalik muna sa amin yung tatlo bago tuluyang bumaba at pumasok sa school nila.

Nag-drive ulit si Oscar patungo namang company ko. Tahimik lamang kami buong biyahe at hindi nagkibuan hanggang sa makarating kami sa company. Ipinarada ni Oscar ang sasakyan niya at bumaba.

"Bakit ka bumaba?" takang tanong ko nang makababa rin. "Hindi ka ba uuwi?"

"No, I will stay with you." Pinagsiklop nito ang kamay namin. "Maiinip lang ako sa bahay."

"Mas maiinip ka sa office," sabi ko. "Wala ka namang gagawin doon. At saka, hindi kita makakausap dahil baka ma-busy ako."

"It's okay."

Ramdam ko ang tinginan ng mga empleyado ko sa'min ni Oscar, lalo na sa kamay naming magkahawak. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya at pagiging proud. Well, isang guwapo at sikat na CEO lang naman ang ka-holding hands ko.

"Good morning ma–" Napahinto si Nannette sa pagbati sa'kin nang makita ang kasama ko. "I guess, you don't need good morning. Halata naman pong maganda na ang umaga niyo."

"Nanette!"

Tumawa ito. "You have no so much schedule, Ma'am. May conference meeting ka, but ako na lang po ang a-attend. Idi-discuss lang naman ang bagong brand ng perfume na inilabas."

"Thank you, nette."

Ngumiti lang ito bago bumalik sa desk niya. Binitawan ko naman ang kamay ni Oscar at dumiretso sa loob ng office ko. I miss the scent of my office. Scent's of hardwork.

"Oscar, can you see that?" Itinuro ko ang tumpok na papeles. "I will read all of that, and I will sign that. Kaya behave ka dapat at tahimik na maupo."

"I can help you," sabi nito at hinapit ang beywang ko. "You need my help?"

"Hindi na." Inilingan ko siya. "Stop flirting me, Oscar. Hindi ako makakatapos nito."

Ngumisi ito at pinisil ang beywang ko bago ako pakawalan. Naupo ito sa sofa na nasa harapan ng table ko at dinampot ang isang magazine. Nagtungo naman ako sa desk ko at sinimulan na ang trabaho ko.

Hindi naman ako ginulo ni Oscar kagaya ng sinabi ko sa kaniya. Yun nga lang, lagi itong nakatingin sakin at kapag titingnan ko siya bigla siyang ngingiti at mag-pa-flying kiss.

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now