V:12

14.9K 447 12
                                    

       NAGPASA ang ginawa sa'kin ni tito. Pumutok din ang gilid ng labi ko. Mukha akong inabuso ng asawa.

Napanguso na lang ako sa salamin at sinuot ang sumbrelo ko. Nakabalik na raw si Oscar sabi ni Secret na pumunta rito kahapon. Nakabalik na siya kaya kailangan kona ring bumalik sa trabaho.

Kahit mainit ang panahon pinili kong magsuot ng damit na may mahabang manggas para matakpan ang pasa sa braso ko.

Lumabas ako ng bahay ko at naglakad papunta sa bahay ni Oscar. Medyo iika ika pa rin akong maglakad pero hindi na kagaya kahapon.

"YOU'RE FVCKING IDIOT!" kapapasok ko pa lang ng gate ay agad kong narinig ang galit na boses ni Oscar. "YOU FVCKING LET THEM ESCAPED! YOU'RE AN IDIOT!"

Didiretso na sana ako sa pinto kaya lang ay may humila sa'kin patungo sa likuran ng bahay.

"Mainit ulo ni sir," sabi ni Secret. "Baka mapagbuntonan ka rin ng galit kaya maglaba kana lang muna rito sa likuran."

Tumango lang ako.

Pumasok ito sa pinto na patungong kusina. Binalingan ko naman yung kaunting labahin at sinimulang labhan.

Bakit kaya may sumpong yun? Kadarating niya lang galit agad siya. Umiling na lang ako at tinuon ang oras ko sa paglalabad.

Nang matapos ako sa paglalaba at pagsasampay, pumasok ako sa kusina. Wala si Secret doon kaya naupo na lang ako at hinintay siya. Maya maya lang ay pumasok na ito at tarantang taranta.

"Nagalit si sir sa'kin," sabi nito. "Ikaw muna magdala ng kape nila."

Tumango lang ako at kinuha yung tray sa kaniya. Para may kabayong nagkakarerahan sa dibdib ko habang naglalakad ako palapit kila Oscar. Prente itong nakasandal sa sofa habang nag iigting ang panga. Yung mga kaibigan niya naman ay seryoso lang ang mukha. Himala at wala si Cleo.

Nanginginig ang kamay na isa isa kong inilapag yung kape. Ang kaso sa sobrang kaba ko ay natapon ang isa at kay Oscar pa tumapon.

"SHIT!" galit na sigaw nito at tumayo. "YOU'RE SO FVCKING STUPID! YAN NA NGA LANG ANG TRABAHO MO RITO, TATANGA TANGA KAPA!"

"H-hindi ko sinasadya," utal at takot kong saad. "Sorry, Oscar."

Hinila nito ang braso ko kung saan may pasa at diniinan ang hawak doon. Halos mapaiyak ako dahil sa sobrang sakit.

"Anong akala mo? Porket hindi kitang pinagsasalitaan ng masama ay okay na tayo? You're fvcking wrong, Zav! You need to fvcking put in your head that we will never be okay, unless I'm satisfy to see you suffering!" lalo nitong diniinan ang pagkakahawak sa braso ko.

Tumulo ang mga luha ko at tumango. Para namang natauhan ito at dahan dahang binitawan ang braso ko. Pinunasan ko ang luha ko at kagat labing sinapo ang braso ko.

"H-hindi na mauulit," nakayukong sabi ko. "S-sorry."

"Stop fvcking crying!" bulyaw nito sa'kin. "Don't be pa-vic–"

"–enough!" sita sa kaniya ng isa sa mga kaibigan niya. "You're too much, Xamirez. She's a woman, after all."

"Why are you defending her, Kingford? Did your dick crave for her?" parang dinurog ang puso ko dahil sa sinabi ni Oscar. "Go, fvck her. Fvck her like a dog."

"Tang ina mo ka!" Tumayo si Xaitan at sinapak ito. "May nanay ka, tapos ganiyan mga sinasabi mo. Mahiya ka naman!"

"N-natapon ko lang naman yung kape mo," sabi ko na ikinatingin nila sa'kin. "S-sinaktan mona nga ako, t-tapos sasabihin mo pa yan. H-hindi ko naman inisip na patatawarin mo talaga ako. S-sorry."

Walang kumibo sa kanila. Pinunasan ko muna ulit ang luha ko at yumuko para punasan yung natapong kape gamit ang damit ko. Nang matapos kong punasan iyon, kinuha yung tray at pumasok sa kusina.

"Sorry, dapat hindi na lang kita inutusan." Lumapit sa'kin si Secret at niyakap ako. "Sorry."

"Okay lang," sagot ko at humiwalay sa yakap. "Doon muna ako sa likod ah? Masakit kasi yung pasa ko, tawagin mona lang ako kapag may kailangan ka pa."

Tumango lang ito.

Inilapag ko yung tray sa lamesa at lumabas sa pinto papuntang labahan. Naupo ako sa gilid at itinaas yung manggas ng damit ko.

Napaluha na lang ako nang makitang mas lalong nangitim iyon. Tinanggal ko yung sumbrelo ko at ginawang pamaypay sa pasa ko. Nagbabakasali akong mababawasan yung sakit non, pero hindi. Sakit na nga ng pasa ko, sakit pa ng puso ko.

Sana pala hindi na ako naging masaya noong wala siya, ganito pala ang magiging kapalit.

"Okay lang 'yan, Zavia." Ngumiti ako kahit pa patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. "Kaya mo yan."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak doon at nagpalipas ng sakit. Nang maramdaman ko lang na medyo ayos na ako, pumasok na ulit ako sa loob.

"Kumain kana," nakangiting sabi ni Secret na naghahain.

"Wag na," tanggi ko. "Baka mamaya mahuli ako ni Oscar, magagalit na naman siya."

"Umalis siya," tumunog ang tiyan ko nang makita ang lumpiang toge sa lamesa. "Sayang naman 'tong pagkain kung hindi naman makakain."

"Sige, kung mapilit ka talaga." Naupo ako. "Sigurado ka bang wala siya?"

Tumango ito.

Tumango na lang din ako at nagsimulang kumain. Parang biglang naging gamot ang pagkain dahil bahagyang nabawasan ang sakit ng braso ko.

Nang matapos kaming kumain ay pinauwi na ako ni Secret. Ipahinga ko raw muna ang braso ko para hindi lalong mamaga. Pinabaunan niya pa ako ng lumpiang toge na favorite ko.

Agad kong inihiga ang katawan ko sa karton nang makauwi ako. Simpleng paghiga na nauwi sa pagtulog.

Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa braso ko. Nang magmulat ako ng mga mata, si Oscar ang bumungad sa'kin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Uupo sana ako kaya lang ay pinigilan ako nito.

"May lagnat ka," walang emosyong sabi nito. "Magpahinga ka muna."

Hindi ako kumibo. Pinakikiramdaman ko lang ang kamay nitong humahaplos sa pasa ko. May ipinapahid siya doon na parang ointment.

"I'm sorry," bahagya akong lumingon sa kaniya nang magsalita siya. "I shouldn't told that, I shouldn't hurt you. I'm sorry."

"Okay lang, kasalanan ko na–"

"–It's my fault. Hindi ko dapat ibinuhos sa inyo ang galit ko. Sorry for being too much," ramdam ko ang pagiging sincere niya kahit pa walang emosyon ang boses niya. "You can hurt me too, I won't be mad."

"Patawarin mona lang ako," biro ko sa kaniya.

"I don't want to do that," tugon nito. "Ayaw kitang patawarin hindi dahil sa hindi mo pa deserve. Ayaw kitang patawarin dahil mawawalan ako ng karapatan sa'yo."

"Ha?" takang napatingin ako sa kaniya.

"Ayaw pa kitang patawarin sa ngayon dahil gusto kong akin ka lang. Hangga't hindi kita napapatawad, pakiramdam ko ay akin ka lang at walang  puwedeng umagaw sa'yo." Natulala na lang ako sa sinabi nito. "Sorry for being harsh, Zav. Ayokong ipakitang malambot ako sa'yo dahil natatakot akong maulit ang nangyari. Natatakot akong traydurin mo ulit ako at mabalewala na naman ang buhay ko."

"Oscar..."

"Hangga't galit ako sa'yo, akin ka." lumamlam ang mga tingin nito sa'kin. "No one can get away you from me. Walang ibang may karapatan sa'yo, bukod sa'kin."

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now