V:10

13.6K 363 11
                                    

   

     "MAGBIHIS ka at umalis." Naidilat ko ang mata ko dahil sa sinabi ni Oscar. "Be my maid until I forgive you."

Tumayo ito kaya napatingin ako sa kaniya. Walang emosyon ang mukha nito habang inaayos ang nagusot niyang damit.

"Fix yourself then leave." Tinalikuran ako nito at dire diretsong lumabas.

Nanginginig na tumayo ako at dinampot ang sira kong damit. Sinuot ko ito pero parang wala pa rin akong damit dahil sa pagkakasira dito ni Oscar.

Pinunasan ko ang luha ko at huminga nang malalim bago lumabas. Hinawakan kona lang yung damit kong sira sira para hindi mahulog at matakpan ang kabuuan ko.

"I have a party on my house later, pumunta ka dahil kailangan ng katulong ni Secret," nakayukong tumango lang ako. "Be there at exactly 7 pm."

"S-sige," sagot ko lang.

Lumabas ako ng condo niya at nakayukong naglalakad lang. Dumiretso ako sa elevator at ramdam ko ang pagtingin sa'kin ng mga nakasay doon nang makita nila ang kalagayan ko.

"Miss, ayos ka lang?" tanong ng isang babae. "Gusto mo bang tumawag kaming pulis?"

Inilingan ko siya habang nakayuko pa rin. "Ayos lang po ako."

Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Nakayuko lamang ako habang naglalakad at hawak ng mahigpit ang damit kong sira sira. Hindi ko inaangat ang aking paningin dahil ayokong makita ang mga taong pinagtitinginan ako at pinagbubulungan.

Ang buong akala ko kanina ay itutuloy ni Oscar ang balak niya. Hindi ako handa sa ganoong bagay kaya laking pasasalamat kona lang at tumigil siya. Minsan naiisip ko na soft hearted pa rin siya kahit sobrang sama ng ugali niya.

"ZAVIA!" Napahinto ako sa paglakad at naiangat ko ang paningin ko nang marinig ko ang boses ni Cleo. "What the fvck happened to you? Zav, who did that to you?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan lamang siya. "Si Oscar?"

"Wala siyang ginawa," walang lakas kong sagot. "Walang nangyari, pwede ka nang umalis."

"Zavia–"

"–You're done with your mission here, right? You better leave now, Cleo."

"Zavia," akmang hahawakan ako nito kaya mabilis akong lumayo. "Don't do this to me. Wag ka namang lumayo ulit."

"Tama na, Cleo. Wag mona akong guluhin, wag ka nang dumagdag pa sa mga nagpapahirap sa'kin." Nilampasan ko siya. "Tama na yung unang beses kitang pinatawad."

Dumiretso ako sa bahay ko at agad nahiga. Mamaya kona kukumustahin si Nanay Pasing, gusto ko munang ipahinga ang sarili ko. Gusto ko munang magpahinga dahil mamaya ay panibago na namang laban ang haharapin ko kasama si Oscar.

Tuwing nasa harapan ko si Oscar parang lagi akong nakikipaglaban kahit wala naman siyang ginagawa.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa namalayan kong 6:30 na ng gabi. Pinainom ko muna ng gamot si Nanay Pasing bago ako magbihis at nagsimulang maglakad patungo sa bahay ni Oscar.

Nasa gate pa lang ako ay dinig na dinig kona ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob. May iba't ibang ilaw rin akong natatanaw. Bukas ang gate kaya hindi kona kinailangan pang kumatok. Dire diretso akong pumasok sa loob at hindi pinansin ang ibang taong nakatingin sa'kin.

"Nandito kana," nakangiting sabi ni Secret. "Halika, tulungan mo akong magluto."

Nagtungo kami sa kusina. May tatlong kababaihan pa roon na may kani-kaniyang ginagawa. Ibinigay sa'kin ni Secret ang isang kutsilyo at isang balot na hotdog.

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon