V:23

13.4K 403 1
                                    

ANG seryoso at medyo gulat na mukha ni Oscar, ay nauwi sa pagiging malamig at galit. Inaasahan kona ang bagay na ito pero sobrang kaba pa rin ako.

"Mami, diba siya ang daddy namin?" tanong ni Zaiden.

Hindi ko ito binalingan ng tingin, pinanatili ko ang tingin ko kay Oscar. "Oo, siya ang daddy niyo."

Kita ko ang pag igting ng panga nito at ang pagkuyom ng kaniyang kamao. He's mad.

"See?" Lumapit ang tatlo sa kaniya.

"Ikaw nga po ang dadi namin!" Lumambitin si Zaar sa binti nito. Ginaya naman siya nung dalawa.

"Can I talk to your mom?" tanong ni Oscar sa mga bata. "Let me talk her, first."

Tumango ang mga bata at lumayo sa kaniya. Mabilis na lumapit ang mga ito kay Cleo at hinila ito palabas. Napuno ng katahimikan ang buong opisina nang kaming dalawa na lang ni Oscar ang maiwan sa loob.

"Kung hindi sila ang naghanap sa'kin, hindi mo talaga sasabihin?" Napayuko na lang ako. "Why you're so selfish, Zav!? You're fvcking selfish!"

"Oscar–"

"–What? Magrarason kana naman?" Natawa ito ng pagak. "Parang wala akong karapatang masaktan, ah? You're always invalidating my feelings, Zav. You're selfish!" Dinuro ako nito. "You fvcking leave me and you fvcking hide my son! Anak ko, Zav! Anak ko!"

"Hindi ko naman sinasadya," naiiyak kong sabi. "Sorry, Oscar.... natakot lang naman ako, sorry."

"Why? Do you think I will hurt them? Do you think I will let them hurt? Ganiyan ba talaga kababa ang tingin mo sa'kin?" bakas ang hinanakit sa boses nito. "You left me alone, Zav. Alone. I suffered again, Zav."

"Oscar..."

"I suffered too, Oscar. Hindi lang naman ikaw ang nasaktan, pareho tayo. Ang dami ko ring pinagdaanan sa mga nagdaang taon," mahinang sabi ko. "I'm sorry for hiding our sons, sorry kung pinagdamot ko sila sa'yo. Ayoko lang naman kasing mapahamak sila. You know your work, Oscar."

"And, do you think I can't protect them?" mapait nitong tanong. "I know my work, Zav. And I know how can I protect my love ones."

"I know you can protect them, but I know too that you will also be the reason why they will be hurt." Huminga ako nang malalim. "Let's not talk about this, please."

"I hate you," puno ng hinanakit na sabi nito. "You always hurting me. I hate you so much, Zavia Leneghan."

"I know, Oscar. I know."

Tumulo ang luha ko na mabilis kong pinunasan. . . Naputol ang mainit na tensiyon sa pagitan namin nang bumukas ang pinto at iluwal ang tatlong bata.

Biglang umamo ang itsura ni Oscar nang makita ang tatlong bata. "Can you hug daddy?" Lumuhod si Oscar. "I want your hugs, please."

Tumingin muna sa'kin yung tatlong bata bago tumakbo palapit kay Oscar. Muling tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa mag aama na nakayakap sa isa't isa.

Masaya ako para sa mga anak ko, pero may kirot sa dibdib ko dahil sa isiping hindi nila mararanasan ang buong pamilya. I know, Oscar. He can't forgive me, now. Kung noon ay napatawad niya, siguradong hindi na ngayon.

"I'm happy to meet you," humiwalay si Oscar sa yakap at nanggigilid ang luhang tiningnan ang tatlo. "I love you, my sons. Patawarin niyo si Daddy kung wala siya sa tabi niyo."

"We understand, dadi." Hinalikan ni Zaiden ang pisngi niya. "Kahit masungit ka po kanina, love pa rin kita."

"Dadi, sasama kana ba sa'min?" tanong dito ni Zakamir na ikinatigil ko. Ramdam kong natigilan din si Oscar.

"Oo nga po, magkakasama na ba tayo sa house?" tanong naman ni Zaar. "May two bedrooms sa house po. Doon kaming tatlo sa isa, kayo naman ni mami ay tabi."

Tumingin sa'kin si Oscar. "Hindi ako sasama sa inyo.." binalingan ulit nito ng tingin ang mga bata. "Kayo ang sasama sa'kin. Uuwi tayong apat sa bahay ko."

"Apat? Lima po tayo eh," lumapit sa'kin si Zaar. "Si mami pa. Kailangan kasama si mami, kapag hindi siya kasama ayaw ko pong sasama."

"Oscar, pwede bang mag usap muna tayo tungkol sa oras?" tanong ko. "Wag naman yung ganito."

He laughed, sarcastically. "At may gana ka pang sabihin 'yan? Nakasama mo sila sa mahabang panahon, ako ngayon pa lang. They are my children too, Zav. Wag mo silang ipagdamot."

"Hindi ko naman sila pinagdadamot–"

"Sasama sila sa'kin," malamig na sabi nito. "Ikaw nang mamili kung sasama ka rin."

Napatingin ako sa tatlong bata na naglilipat lipat ang tingin sa'ming dalawa ni Oscar.

"Sasama tayo mamaya sa daddy niyo," nakangiting sabi ko sa kanila para hindi na sila mag usap. "Pero bago ang lahat, sumama kayo sa'kin sa labas. Kakausapin ko kayo."

Tumalikod ako at dire diretsong lumabas ng opisina ni Oscar. Wala na si Cleo nang makalabas ako, mukhang nanuyo na ng mag ina.

"Mami? Bakit po?" maang na tanong ni Zaar.

Hinarap ko sila at sinamaan ng tingin. "Bakit kayo umalis ng walang paalam?"

"Mami, nagpaalam po kami. Nag iwan nga po kaming notes sa bahay eh." Katwiran ni Zakamir.

"Wag mo akong pinipilosopo Zakamir, hindi ako nakikipag-biruan. Anong naisip niyo at nag-cutting kayo!? Hindi lang basta cutting! Halos himatayin ako kanina sa pag aalala!" bahagyang tumaas ang boses ko na ikinayuko nila. "Pampanga tayo, pero nakarating kayo ng Manila! Alam niyo ba kung gaanong kadelikado ang ginawa niyo? Sobrang delikado non, lalo pa at five years old pa lang kayo!"

"Sorry po." Sabay sabay nilang sabi.

"Dapat sinabihan niyo na lang ako mga anak. Hindi yung ganito. Gusto niyo ba akong atakihin sa puso?" umiling sila. "Sobra akong nag alalala, sobra akong natakot kanina."

"Sorry, Mami!" Lumapit ang mga ito sa'kin at yumakap sa aking beywang.

"Sorry din kung tumaas ang boses ko." Pinantayan ko sila. "Wag na lang mauulit ah? Kapag may gusto kayo, sabihin niyo agad sa'kin. Alam niyo naman kung gaano ko kayo kamahal, diba?"

Tumango ang mga ito.

Pinagsabihan ko pa sila nang mabuti bago kami bumalik sa loob ng opisina ni Oscar. Nadatnan namin itong nakatayo at may kausap sa cellphone.

"Dadi!" Nilapitan nung tatlo si Oscar. Ako naman ay naupo sa isang upuan sa gilid.

"I order food for us," malambing na sabi nito sa mga bata. "Can you introduce yourselves to your daddy?'

Hinila ni Zaar paupo si Oscar sa sofa, pagkatapos ay tumayo silang tatlo sa harapan ng ama.

"My name is Zaar Oscar Xamirez," pakilala ni Zaar. "I'm the eldest po and also the most handsome."

Sumunod si Zakamir. "My name is Zakamir Oscar Xamirez po, I'm the second born po. The most handsome rin po."

Sumunod si Zaiden. "Hi, Dadi ko. I'm Zaiden Oscar Xamirez po. Handsome rin po kagaya nila Zaar at Zakamir."

Pagkatapos nilang magpakilala ay sabay sabay silang tumawa at nag apir. Napangiti na lang din ako pero napawi iyon nang lingunin ako ni Oscar.

Umiwas na lang ako ng tingin at napakapit sa suot kong pants.

Sinadya kong gawing second name ng triplets ang pangalan ni Oscar, sa kaniya ko rin inapelyido ang mga ito. Kahit namang lumayo ako ay lagi ko pa rin siyang inaalala. At karapatan din naman ng triplets na bitbitin ang last name ng ama.

Kahit sa paraang yun ay makabawi man lang ako sa kaniya. Gusto kong makabawi sa pang iiwan ko sa kaniya at pagtatago ko ng mga anak namin.

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now