V:8

12.8K 406 20
                                    


WALA si Oscar nang bumalik ako kinabukasan sa bahay niya para ulitin yung labahin. Ang sabi ni secret ay lumipad daw ito patungong Switzerland para sa isang mahalagang trabaho. Hindi na ako gaanong nagtanong pa tungkol kay Oscar dahil baka ma-misinterpret niya pa.

Sinigurado kong sobrang malinis ang mga labadang inulit ko bago isampay. Nagsusugat sugat na kasi ang kamay ko at sobrang hapdi nito tuwing nababasa.

Nang matapos kong isampay ang mga nilabhan ko. Nilinis ko naman ang buong palapag ng second floor. Iyon daw ang bilin ni Oscar kay Secret at wala naman akong magagawa tungkol sa bagay na yun.

Halos maiyak ako nang matapos ako. Humiga ako sa sahig na tiles habang pagod na pagod at gutom na gutom.

"Gutom na ako," mangiyak ngiyak kong sabi.

"Gutom ka pala, bakit ka pa nakahiga diyan?" bahagya akong nagulat nang sumulpot ang mukha ni Secret sa aking paningin. "Tumayo ka, kakain tayo."

"Baka magalit si Oscar-"

"-Wala siya rito kaya ako ang masusunod," ngumisi ito. "Tayo na."

Lumakad ito paalis. Agad naman akong tumayo at sinundan siya. Masasarap na pagkain agad ang bumungad sa'kin nang makarating kami sa kusina. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na kumuha ng plato at nagsimulang kumain.

"Grabe, be expensive naman." Napatingin ako kay Secret na nagkakamay rin. "Chariz, I don't know the word 'expensive' pala when it comes to food."

Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ito ang unang beses na nakakain ako sa bahay ni Oscar. Kung malaman niya ang bagay na 'to, sasabihin kong iawas na lang sa sahod ko. Hindi kona talaga kayang pigilan ang gutom ko. Wala kasi akong pera at wala rin si Cleo kaya gutom ako.

"Thank you sa pagkain," nakangiting sabi ko kay Secret nang matapos ako. "Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin-"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng kung anong bagay. Tatanungin kona sana si Secret ngunit natuptop ko ang bibig ko nang makitang may hawak itong baril.

"B-bakit ka may baril?" utal kong tanong at napaatras. "S-secret."

"Kung kailan wala si boss." Lumapit ito sa'kin at hinawakan ako sa kamay. "Kailangan na nating makaalis bago pa tayo matodas."

"Anong nangyayari?" dinagundong ng kaba ang dibdib ko nang mas umingay ang mga putok. At alam kong galing ang tunog na yun sa baril. "Secret, bakit may baril? Anong nangyayari?"

"Wala ako sa posisyon para magsalita," sagot nito. "But don't worry, akong bahala sa'yo."

Hinila ako nito palabas sa pinto ng kusina sa likuran. Luminga linga muna si Secret bago ako hilahin.

"Secret, may babaril sa'yo!" tarantang sabi ko.

Itinulak naman ako nito. Parang action star itong gumulong sa damuhan at pinagbababaril yung lalaki.

Mabilis itong tumayo at nilapitan ako. "Hindi kapa pwedeng makita ng iba, baka mamatay ka."

"M-mamatay?" Napalunok ako. "Ayoko pa, wala pa akong business."

Natawa ito bago ako hilahin palapit sa mababang bakod. Bumwelo ito at tumalon paitaas.

"Gayahin mo ako, tutulungan kita." Napaigtad ako nang bumaril ito sa gilid niya. "Bilisan mo!"

Lumayo naman ako ng kaunti. Akmang tatakbo na ako kaya lang ay may humila sa beywang ko at may matigas na bagay ang tumama sa likuran ko.

Nahihilong tiningala ko si Secret. "T-takbo.."

UNDERGROUND SERIES 2: His Vengeance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon