D-1 Intramurals

5 0 0
                                    

KABANATA 23

Mabilis ang mga paglipas ng oras, araw at gabi. Natapos ang nakaraan na linggo ko na 80% inis ang dumadaloy sa buong kataohan ko. Ganoon, natapos ang prelim exam and guest what? Pasado ako sa mga minors pero naging itlog ng aso ang scores ko sa major subs. Isa lang talaga ang hindi ko malimot-limot hanggang ngayon. Ako ang may mataas na marka sa History! Takte paano ako nakapasa? Limang minuto ko lang tinapos ang pagtake sa History kahit 2hours duration every subject. Tapos pumasa, halos ma-overtime nga ako sa majors kakatama ng bawat sagot ko pero hindi ako nakakuha ng malaking scores. Naririto ako ngayon sa library para magcollect ng books para e-review ang mga mali kong sagot. Ginagago ko na din talaga sarili ko, kinalawang na nga nang sagot sa exam tapos ngayon ko pa talaga naisipan magreview. Lutang rin talaga!  Pagkalapag ko sa mga libro sa table agad akong umupo at kinuha sa bag ang mga may markang dugo na testpapers ko sa major. Ilang minutong lumipas sa pag-sca-scan ko kahit hindi ko pa naman talaga na check lahat talagang naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha. Letche! Sabog lang ata ako nang araw na 'yon! Napagtanto kong tama ang iba kong sagot pero... mabilis kong isinara ang libro. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tama na nga sila sa katagang "Dapat nasa acceptance stage kana agad pagkatapos ng exam." Tumayo ako tsaka nagregister ng pangalan sa Librarian at inilista ang mga librong kinuha. Sa bahay ko nalang gagawin, baka mabaliw pa ako sa self guilt na nararamdaman dito at tumalon sa ika-tatlong palapag ng building na 'to.

"Sabrina attendance raw!" napatakip si Mirah sa bibig niya nang mapagtanto ang pagsigaw.

Taray na siyang tinataasan ng kilay Nike logo namin na Librarian, sumenyas na lang siyang lumapit ako sa kanya. 

"Hindi kaba manunuod ng basketball sa court?" bungad niyang tanong.

"Magsisimula na?"

"Hindi pa naman, in game pa ang volleyball."

Kinapa ko at hinanap sa bag ko ang isang folder na puno ng attendance sheets. Talagang ako ang may dala nito kasi ako na naman ang sumalo. Kasali si Ava sa cheerleading at ang President naman namin ay kasali ngayon sa Basketball. Ngayon ang opening day namin sa intramurals at nagkaroon na kaninang umaga ng parade sa buong field. Lahat ng departments ay kasali at lahat ay nagpresenta ng kanya-kanyang chants, sayawit, singing, cheerdance at iba pang presentation which is relevant sa bawat courses.  Agad kong nilahad ang folder sa kanya.

"Mirah, pwede ba mauna kana? Ilalagay ko lang 'tong mga libro sa locker." bahagya ko pang itinaas ang bitbit kong libro.

"Oh sige, sumunod ka agad sa gym. Patapos na yung Volleyball." ngumiti siya bago ako tuluyan na tinalikuran.

Tinahak ko agad ang daan patungong building namin. Ayos! Huling palapag pa talaga. Wala akong sinalihan sa sports, sa club lang ako sumali. D-3 pa ng intramurals magaganap ang competition sa club at bukas naman ang sa pageantry. Umiling ako. Na-aalala ko na naman ang pagtatalo na naganap ng mga kaklase ko sa kung sino ang kukunin na representatives sa pageantry.

"Si Ava! Syempre siya lang naman ang maganda dito!"

"Ulol ka Sherilyn! Maganda rin kaya si Vice President!" angal ni James.

Tinuro niya ako sabay kumindat. Binalingan niya pa talaga ng masamang tingin si Sherilyn. Mali, nagtataponan sila ng masamang tingin sa isa't-isa.

"Akin lang siya bro. Dumaan ka muna sa... kamao ko." sabat naman ni Abby.

Nagpalitan ng tawanan silang dalawa ni James. Mokong talaga si Abby. Tiningnan ko ang lalaking walang imik. Talaga bang ang role niya lang tuwing ganitong classroom meeting ay ang umupo sa tabi ko? Pagpapa-display sa mukha niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnintentionalWhere stories live. Discover now